✓Chapitre 56

44 4 0
                                    

Shana's POV.

       Seryosong pikon na pikon na talaga ako ngayon. Nagagalit na din ako ng sobra pero pilit ko pa din pinipigilan. Maabutan ko pa sana siya kung di lang nila ako pinigilan at ang bobo lang din nila para gawin ang bagay na 'yun. Di ko pa naman dala ang motor ko para habulin sila. Alam kong may bomba sila dahil di ako tanga na hindi ko makita iyon. Masyado silang mabagal at nakakainis parang gusto kong makapatay ng tao sa di oras.

Kasalukuyan nasa operating room na kaming lahat sa loob ng agency ng mga Smith's at sinusubukan na i-track ang pinagtataguan nila. Ngunit lumipas ng mga ilang minuto, hindi pa rin namin magawang mahanap iyon. Ilang mura at kuom na din ang nagawa ko dahil sa sobrang inis. Pero maya't maya pa ay bigla din akong napaangat ng tingin ng makaramdam ng isang titig mula sa kung saan.

"Staring is rude, Agent Smith." anas ko.

Napaitlag din naman ito sa ginawa ko saka napaayos ng pagkakaupo sa sariling umupu na nasa tapat ko lang din naman. Bahagya pa itong lumunok ng laway saka umubo ng kaunti.

"You can't blame me for staring. Tonight, your revelation shook everyone. What do you expect us to react?"

"A little bit nicer and respectful."

"How come we can do that?" Nakipagbalikat lang ako sa kanya dahil hindi ko naman tanong 'yun. He asked for it and I don't have the rights to answer that stupid quest. "Black Queen, you are the most wanted woman in all of our files. We even tried to shut you down, convince you, and to gain your trust. But we failed, eventhough we know how much the lose we will get if we let you ran and hide yourself again."

"I wasn't hiding. I was recreating..."

"H-ha? What do you mean? Shana, you are the only daughter of Studebaker's. Do you think we can imagine you like this?" 

"Why do you have to asked? People lived inside their shadows. Reason why, many people cannot see wants the unseen."

Walang kaemosyon ko siyang tinitigan samantalang punong-puno naman ito ng pagtatakang nakatingin sa'kin. Isang bagay lang din ang huwag mong dapat gawin kapag ako ang kaharap mo. At iyon ay itatanong mo kung sino, bakit, at paano ko nabuo ang pagkataong ito. Isang libo o milyong salita, walang kahit sinong makakapagsabi kung ano ba talaga ako. 

Prinsesa? Seeker? A person? A woman? or a loner?

"Agent Smith, sinusubukan po naming i-track yung mga kotseng ginamit nila kanina. Gugustuhin man ng mga squad na umabante para hanapain sila. Di po tayo pwede dahil buhay naman nila ang maiilagay natin sa peligro. Hindi natin alam ang lugar na 'yun at kung ano-ano ang mga posibilidad na mangyari kapag nagkataon."

"Yes, I understand. Just inform me if you have---"

"Found can't be seen, Agent Smith" rinig kong sigaw ng isang specialist.

"Let me see."

"We've tried 4 times but we can't track them."

Hindi ko na lang sila pinansin at mas inabala din ang sarili sa ginagawa. Kahit wala na sa kanila ang atensyon ko ngunit hindi ko pa din napigilan ang sariling marinig lahat ng pinag-uusapan nila. Alam kong mahirap ang ginagawa namin dahil usapang teknolohiya ang labanan. Mahirap kung santong paspasan ang paghahanap namin kaya mas piniling gamitin ang kaalaman sa teknolohiya. Ngunit kahit gaano man kaming lahat katalino sa paggamit nito, kung ganun ang paghihirap namin para makapasok sa iba't ibang sistema. 

Parang gusto ko ng sumuko pero ayaw kong huminto. Buhay ng kaibigan ko ang nakakasalalay dito. Isang bagay na pinakaayaw ko sa mundo. Laban ko 'to at hindi sila kabilang sa gulong pinasok ko. Katulad na lang ni Cassandra, posibilidad na mag-pinasan kami pero ayaw na ayaw ko siyang sumasali dahil alam ko kung ano ang mga sakripisyong kailangan niyang pagdadaanan. 

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon