✓Chapitre 23

90 7 0
                                    

Maxwell's POV.

      Alam kong labag sa sarili niyang manatili para samahan ako dito. Ngunit nagawa niya pa ding pagsilbihan at alagaan ako. Kanina ko pang binabasa ang pinapakita niyang  emosyon pero wala akong may nakita. Blanko at tahimik lang itong kumikilos sa kung ano ang maisip niyang gawin.

Nang sandali siyang lumabas ng kwarto. Bahagya akong napabuntong hininga habang inaalala yung huling sinabi ko sa kanya. Di ko alam kung nakakaintindi siya salenguwaheng iyon pero parang pinapakiramdam niyang alam nito. Kani-kanina pa talaga siyang tahimik kaya mas lalo akong nahihirapan kung papaano ko siya kakausapin.

Muling napabuntong hininga ako saka humiga ng maayos sa kama. Ilang saglit lang napatingin ako sa pinto ng kanina pa siyang di bumabalik dito. Pinakiramdam ko ang buong paligid at di naman nakabukas yung TV. Wala din tubig na umaagos.

Where did she go?

Kakatanongan ko pa lang sa isip biglang bumukas yung pinto at niluha siyang nakatitig sa hawak nitong cellphone. Kunot noo ko siyang tinignan hanggang sa napatingin din ito sa'kin. Gusto ko sana siya tanungin kung sino yung tinawagan niya pero bigla din itong tumalikod para pumasok sa CR. Hindi rin nagtagal lumabas din siya at umupo sa upuan na katabi lang ng kama ko.

"What? Do you need anything?"

"What's the matter with you?" Punong-puno pagtataka kong anas.

"Nothing..."

Umiwas siya ng tingin at mas lalong sinandal sa kinauupuan. Humiga ako papaharap sa kanya saka siya tinitigan. Mukhang naramdaman kaagad niya iyon dahil napabaling ulit ito ng tingin sa'kin.

"Staring is rude, Maxwell! I don't like to be stared!"

"Why? Does it make you feel uncomfortable?" Asar ko.

"No! Because you are not my amore..."

Mabilis pa sa alas kwartong natigilan ako ng marinig kung gaano siya kafluent pagsalita ng French. Dahan-dahan akong bumangon ulit habang di inaalis ang tingin sa kanya.

"M-marunong kang magsalita ng---" di ko na nagawang tapusin ng pinutol na niya iyon.

"Ba't gulat na gulat ka?" Walang kaemosyon niyang wika. Pagsasalita na sana ako ng suminghal na siya ng malakas at tinulak muli ako papahiga. "Huwag kang mag-alala. Ako lang din naman ang nakakaintindi sa sinabi mo."

Mula sa sinabi niya mas lalo akong nagulat at kukulitin ko na naman sana ng bigla niya akong hinampas ng unan sa ulo. Dahilan para di ko na matuloy ang binabalak kong pagbanggon.

"Matulog ka na nga lang diyan! Daldal mo!" Utos niya.

Kokontrahin ko na naman sana siya ng sinamaan na ako ng tingin. Suminghal na lang ako saka siya tinalikuran ng higa. Hinila ko ang sariling comforter para balutin ang katawan kong nilalamig. Agad kong pinilit ang sariling makatulog. Naging tahimik din ang buong paligid kaya sigurado akong makakatulog talaga ako ng maayos. Tama din palang siya na lang yung pinili kong magbantay sa'kin ngayon kaysa isa sa mga kaibigan ko. Baka di pa ako makapagpahinga ng maayos.

Ilang pikit at mulat na ang ginawa ko pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Tinakpan ko ang sarili ng kumot at pumikit ulit. Ngunit dumaan ng mga ilang minuto di pa rin ako makatulog. Marahas kong inalis yung pagkakataklop ng kumot saka napatingin sa babaeng naglalaro ng COD sa phone niya. Di niya ako naririnig at napapansin dahil nakasuot pala ito ng airpods!

Tatawagin ko na sana siya para makuha Yung pansin nito ng naunahan na naman niya ako.

"Matulog ka! Huwag mo kong kulitin dito. Aalis na lang talaga ako at iwan ka." Aniya.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon