✓Chapitre 59

59 3 0
                                    

Maxwell's POV.

Kani-kanina ko pang sinusubukang tulungan ang sarili mula sa pagkakaiyak ng sobra. Ngunit kahit anong pagsisinungaling ko sa sariling magiging maayos ang lahat ay para akong tanga dahil hindi ko magawang kombensihin ang sariling utak na makinig. Ang sakit. 'Yan lang talaga ang nararamdaman ko ngayon. Yung tipong gulong-gulo ang isip ngunit walang tigil naman sa pagpatak ang mga luha dahil sa bigat ng nararamdaman.

Mabigat na mabigat akong napapikit at bahagyang napayuko habang kinakagat ang pang-ibabang labi. Maya't maya pa ay hindi ko na napigilang sumigaw ng sobrang lakas. Wala akong pakialam kung may tao mang makakarinig ng ingay na 'yun o may mga tao akong maiistorbo. Kahit naman sigurong sabihin ko sa kanila ang dahilan hindi pa rin nila maiintindihan kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Para akong sinaksak ng isang libong espada, isang milyon na pana, at panghabang buhay na bugbog sa katawan.

Alam kong hindi na ito bago sa pakiramdam ko ngunit iba. Iba ang tama ng sakit na ipaparanas niya sa'kin. Ba't ba kasi ganito pa ang kailangan niyang gawin? Wala naman akong masamang ginawa para ganituhin niya ako. Ginawa ko naman lahat upang maintindihan ang kaibahan niya ngunit kahit ganun pala hindi ko pa rin siyang magawang maintindihan. Ang hirap. Sobrang hirap niyang intindihin. Ano ba talaga? Ano pa ba ang kailangan kong malaman mula sa'yo? Ba't di mo magawang sabihin sa'kin ang katotoohanan? Handa naman ako sa lahat pero ikaw ba yung may tinatakutan? Akala ko ba matapang ka? Ba't ang hinang-hina mo? Nawawalan ka na ba ng gana o sadyang may ginagamit mo lang ako? Ano? Gustong-gusto kong malaman pero ano ang magagawa ko at wala ka dito. Hanggang boses mo na lang nandito ang ulit-ulitin ko araw para di kita makakalimutan. Makukuntento na lang ba ako dito?

Shana, hindi! Hinding-hindi!

Malalim akong napahugot ng hininga at mabigat ding binuga iyon. Ngunit parang tanga rin na biglang humugulgol sa iyak kaya napasapo ako ng sariling mukha at muling napasigaw sa mismong mga kamay na tumatakip sa bibig. Marahas din akong napasandal sa kama habang nakaupo sa sahig.

You don't know how much you mean to me. You have no idea that I was already fall since the first time I saw you. Maybe, it is to easy for me to fall into someone like you. Neither I did not know what's the real reason why. Since from the beginning, it seems so familiar in the way I look at you and how I felt for you. But I have no clue to investigate, on why my heart keeps on finding you.

"Pst! Huy, Maxwell!"

"What do you need, Ulan?"

"Wow! Makapanglait sa pangalan ko ha. May problema ka ba sa'kin?"

"Oo! Yang bunganga mo." hahakbang na sana ako ulit paabante ng bigla niyang akon pinigilan at hindi pa nakuntento hinarangan pa ako. "Rain! Ano ba?! Dadaan ako! Nakikita mo bang nagmamadali ako?"

"Ba't ka ba kasi nagmamadali? First day na first day natin sa high school. Ang sunggit mo naman."

"It's just a day, but I grow up with Ouran. What's new?"

"Smith, naman e! Hintayin na lang natin sina Charles dito para sabay-sabay na tayong pumasok sa loob."

"Rain! Ang init-init dito sa labas. Papasok na ako."

"T-teka lang!--- Oh, nandito na pala sila."

Marahas akong napabuntong hininga at walang nagawa ng bigla itong tumakbo kung saan kaya napalingon ako sa direksyon na iyon. Malaking pagpapasalamat ko din naman at kompleto silang naglalakat papalapit sa'kin. Sabik na sabik na akong pumasok sa loob. Ayaw kong mananatili dito sa labas baka masira yung maputi at makinis kong balat.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon