✓Chapitre 17

75 7 4
                                    

Maxwell's POV.

       "You know what I mean, Max."

Wala ako sa sariling napangiti habang inaalala ang paparating na meeting namin sa club. Ang galing talaga ng director namin. Pinag-isipan pa namang pag-isahin ang Glee Club at yung Dance Club.

Tama naman kasi siya. May mga ibang parte talagang kailangan ng live singing habang sumasayaw. Mas nakakabuti din ang ideya na'to dahil mukhang mas lalo akong magagandahan.

"King!"

Napatingin ako sa pinto ng marinig ang boses ni Alex na tinatawag ako. Iniluha naman ng pintuan ang mga abnormal kong mga kaibigan.

"Anong kailangan niyo? Para kayong sinapian ng sampung libong multo." Iritableng anas ko.

Mayamaya pa ay kumuha sila nagtig-isang unan at isa-isa akong hinagisan pero mabuti na lang at mabilis akong nakaiwas.

Tsk! Is that it?

"Mayabang siya, mga bro." Asar ni Charles.

Sangayon naman kaagad sa kanya yung tatlong itlog at tumalon sa couch para makaupo sa harap ko. Kung wala lang talaga ako sa mood baka kanina ko pa sila pinagtitripan. Makikita nila ang bangis ng isang tunay na Smith.

"Magaling ka na nga talaga, Maxwell."

"Bakit may angal?"

"Bakit ba kasi para kang ngumingiting mag-isa diyan? Sino na naman yang iniisip mo? O baka naman bold yung iniisip mo. Tako! Max, nakakadiri ka! Tigilan mo na yan!" 

"Ginag*g* mo ba ako, Charles! Hindi ako fboy para magdaydream ng s*x dito sa inisip ko."

"Ba't ang defensive?"

"Arquiza!"

"Pero bro, what's wrong with you? From this past few days parang kakaibang Maxwell Castro Smith ang nakikita namin? Kasi, ikaw ang tipong taong, cold hearted at maangas." Singgit ni Mark.

"I agree with Mark. Parang napapansin ko din ang pagbabago mo. Simula nung nagtransfer kayo sa Black belt Section." Suspeciously Rain said.

Bahagya akong napaiwas ng tingin sa kanila at inisip kung ano ba dapat ang sasabihin ko. Ni kahit ako di ko rin din naman namalayan na unti- unti na pala akong nagbabago mula sa nakasanayan.

Ang alam ko lang naman ay yung parang nasasayahan ako at nagagambala sa kung ano man ang napapansin kapag nasa paligid ko siya.

"Ano Bro?"

"Wala naman. Alam naman ninyo kung anong hobby ko, hindi ba?" Pagsisinungaling ko.

"Hobby nga ba o baka naman willingness na ng puso mo?" Binalingan ko ng ulo si Alex dahil sa pagkagulat. "Alam mo, Max. Mahirap talagang alamin ang totoong nararamdaman mo para sa isang tao pero mas mahirap kapag unti-unti na siyang nawawala sa'yo. Dahil lang din naman ang mamatay sa kakahanap sa kanya."

"Sino ba ang tinutukoy ninyo?"

"Aba! Malay namin. Na sa'yo yung sagot wala samin. Wala samin ang puso mo, nasa kanya."

I don't know how to react. But only thing I did is to look away and think how this thing happening to me. It's really bothering me right now and I don't even know how to make this stop... or I should let it?

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon