✓Chapitre 3

165 13 2
                                    

Shana's POV.

Nandito na ako sa hallway papasok sa classroom at lahat ng mga mata nila ay nakatutok na naman sa'kin ng masama. Nasanay na ako sa kanila kaya hinahayaan ko na lang. They do not know who's holding the greatest mystery.

Kung nagtatanong kayo kung ano ang nangyari sa'kin nung nahimatay ako. Pagkagising ko nun nasa clinic na ako. Nagtataka nga ako nung una kung bakit ako napunta doon. Mabuti naman at sinabi nung nurse na dinala daw ako ni Maxwell doon na walang malay at umalis rin kaagad.

May kabutihang taglay din pala ang lalake na 'yun sa pagkabrand z ng droga niya. Sana lang di pakitang tao ang ginawa niyang pagtulong.

"Kyyyaaaaah! Ang The Mob nandito na sila!"

"Ohmygosh! They are here!"

"Kyaaahhh!"

Kakaisip ko pa lang sa lalake na 'yun dumating din kaagad. Tsk! Takot ba siyang mapatid ulit? Ito naman ang mga drug user. Grabe kung makasigaw na para bang mamatay dahil sa sila. Nag-uunahan pa yung unang estudyante papalabas ng classroom para lang makita sila. Di ba sila nasasawa?

Muntikan pa akong mahagip nila nung papasok na sana ako sa loob. Buti na lang at hindi ako tumapat mismo sa pintuan. Pailing-iling ako tuluyang pumasok sa loob at umupo sa upuan kong nasa likod.

"Bakit kayo nandito?!"

Ano ang ginawa nilang apat dito ay hindi pala tatlo lang. Magkaklase kaming dalawa ni Vanessa. Eh ang tatlo na'to?! Ano ang ginagawa nila dito?!

"Grabe parang ayaw mong nandito kami ah?! Nakakatampo ka na!!" Agal nilang tatlo.

"Tsk! Mabuti pang magsipasokan na lang kayo sa mga rooms ninyo? Kaysa na nagbahay-bahayan kayo dito."

Sinamungitan nila ako at umaktong parang nasasaktan. Nagsikampihan at yakapan pa silang tatlo. Mga bwisit talaga!

"Teka nga! Ano pala ang nangyari sa'yo kahapon? Bakit buhat na buhat ka nung leader ng mga prinsepeng hilaw na 'yun?" Lumaki kaagad ang mga mata nilang tatlo sa nabalitaan mula kay Roanna.

"What?!" Dapat sabay pa talaga?!

"At saka sandali?" Sabay taas niya ng sleeves ko. "...at bakit may sugat at pasa ka naman ha?!"

Agad kong tinapik ang kamay ni Sophie para mabitawan niya ako. Ngunit ayaw mapaawat kaya marahas na binawi ko ulit ang braso ko sabay ayos ng sleeves.

"Wala 'to. Wag kayo mag-alala." Sabay ngiti para hindi na sila mag-alala sa'kin.

"Shana, you have to be careful especially you don't know how our lives goes on here not like Sophie."Paalala ni Carolina.

Yeah, right! She already have an experience. Unlike me, who stuck and was seal inside my own castle.

Mayamaya pa ay narinig na namin yung bell sa buong campus kaya nagsipasukan na sila sa kani-kanilang classroom. Buong klase inaasar lang ako ni Brand Z Drugs. Sarap niyang sipain. Ba't ba kasi pinatabi pa siya ni Sir Mendez sa'kin. Alam din naman niyang ayaw na ayaw kong iniistorbo. Okay lang sana kung pusa pero yung palakang maingay. Kung pwede lang sana siyang sakalin at patayin. Kanina ko pa ginawa.

At sa wakas ng natapos ang kalahating oras namin ngayong araw. Agad akong niyaya ni Vanessa na lumabas. Tumango at sumunod din naman ako dahil gusto ko ng makalayo sa katabi kong 'to.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon