✓Chapitre 10

103 5 0
                                    

Shana's POV.

   Nagunat-unat pa muna ako bago tumayo sa kama. Ang aga ko nagising dahil alas kwarto ang flight namin papunta sa Monte Carlo kaya gumising ako ngayong alas dos.

I know it's way too early..

Maaga naman kami umuwi kahapon. 7:18 pa lang ng gabi nandito na ako sa bahay. Wala na akong masyadong ginawa maliban sa pag-aayos at pagsusuri ng mga gamit na dadalhin doon.

I'm not excited but I'm scared. I'm going to visit my kingdom without them knowing it. It's hard to be a blooded Montefalcon. 

Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Pagkatapos nun bumaba na ako dala-dala ang isang bag. Kinuha ko na ang susi ng sasakyang gagamitin at lumabas na ng bahay.

Inilagay ko muna lahat ng gamit ko sa compartment ng kotse at sumakay na sa harap para buhayin ang makina niya. Pinagbuksan naman kaagad ako ni Kuya Richard kaya huminto muna ako sa harap niya at binaba ang katabing bintana.

"Kuya, please take care everything."

"I will, Ms. Shana."

"I'm counting on you..."

Tumango naman siya kaya pinaharurot ko na ulit ang kotse ko papalabas.

Tinawagan ko silang apat gamit ng caller ng kotse at ang unang sumagot sa kanilang apat ay si Vanessa. Mabuti pa ang babae na'to.

-

Vanessa's POV.

Sa huling pagkakataon, inayos ko ang mga gamit ko para mamaya baka kasi may naiwan pa kong dalhin ng biglang nagvibrate ang phone ko.

Kinuha ko ang phone kong nasa bulsa at tinignan kong sino ang tumatawag. Isang group call pala 'yun.

"Arthereal, what's up?" Bungkad ko sa kanya.

[I'm on my way to your house. Are you done?]

Wala talaga 'to respeto. Ang cold pa. Prinsesa ka ba talaga, Shana?!

"Yap! I'm done already." Masiglang tugon ko.

[Wait, I'll hang on to Roanna.]

Mukhang nagdadrive ang isang 'to dahil may naririnig akong mga motor at kotseng dumadaan.

{Hey, Collidea! Morning!}

I already hear Roanna talking...

"Morning, Roanna! Ako na lang ang babati sayo. ALAM mo na.. di yan babati sayo." Paparinig
ko sa iba diyan.

[Shut up, Van!]

Diba sabi ko naman sa inyo. Nawala na niya ang etiquette niya bilang prinsesa. Tsk! No comment.

{Hahahahaha!} Rinig kong tawa ni Roanna.

"Wait, I'll hang on to Cassandra too." Saad ko at pinindot ang pic ni Sophie sa caller ko. Di nagtagal sinagot naman niya iyon.

Ang gulo nila Collidea. Minsan nahihirapan na kong tawagin sila sa pekeng pangalan nila pero ano ang magagawa ko? Kailangan! Kung sa madaming tao 'Shana at Sophie', Ang tawag namin sa kanilang magpinsan pero kung kaming lima lang 'Collidea at Cassandra'. Mga tumakas na prinsesa sa ng kaharian nila. Pasaway talaga!

(Hai! Guys, are you ready?)

As always! Masiglain...

{Actually, kanina pa kami ready.} Bara ni Roanna.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon