✓Chapitre 7

98 6 0
                                    

Vanessa's POV.

Ba't ang boring naman nung lecture ni Miss samin? Alam ba niyang hindi ako nai-entertain bungad ginagawa niya? Turo lang ito ng turo. Wala naman akong may naiintindihan sa kanya. Paano ba kasi puro kwento at sulat lang sa white board ang ginagawa niya. Hindi ko naman maintindihan.

Maya't maya pa ay halos tumalon na ako sa saya ng marinig ang nakapagandang kampana ng buong campus. Sa wakas lunch na rin! Yes! Thank you Lord. Love mo talaga ako.

"By the way, class. After your classes this afternoon. You will be having a short meeting with your perspective adviser for your tour in the Monte Carlo. Don't go anywhere yet. You might missed it."

"We won't, Miss A."

"Okay good! Have your lunch now."

Nagsilabasan naman kaagad ang mga classmates ko kaya tumayo na rin ako. Kanina ko pa kaya hinihintay ang oras na'to. Sinabit ko na ang dalang bag at nilapitan si Shana na nagliligpit ng biglang...

Isang napakalutong na murang naisigaw ko sa buong classroom ng may pumatid sa paa ko. What the?! Aray! Ansakit! Mukhang napuruhan yung paa't pwet ko. Wawa naman...

"Ang akala kong perpektong babae, Lampa rin pala." Sabay tawa ng malakas.

Naaasar na talaga ako sa pagmumukha ng Alex Fernanez na'to. Mabilis akong tumayo para harapin siya pero bumagsak ako uli sa sahig.

Aray....

"Oh! Lampa!"

"BwisiT! Hindi ako lampa. Huwag mo kong gawing katulad mo!"

"Anong sinabi mo? Ako? Lampa? HAHA! Bakit sino ba satin ang nasa sahig ngayon?"

Tapos tumawa na naman para asarin ako. Pigilan niyo ako baka makakapatay ako ng tao sa walang oras.

"IKA--"

Hindi ko na natapos ang sinabi nung tumakbo na siya papalabas ng classroom. Wala akong magagawa kundi tanggapin yung nangyari sa'kin ngayon Bwisit! May araw ka rin sa'kin, panget ka!

"Van! Hoy! Ano ang ginagawa mo dyan sa sahig?" Napaangat ang tingin ko kay Shana na nasa harap ko na palang nakatayo.

"HEHE! Wala, gusto ko lang. Mukhang nainlove sa'kin yung sahig kaya siguro ako hinila." Insert #www.palusot.com. Napailang-ilang naman siya sa'kin.

"Okay, tumayo ka na dyan at baka rapin ka pa ng sahig." Asar niya at tumalikod sakin.

Bastos 'to ha! Saan na naman niya matutunan 'yun? Pinanuod ba sa kanya nila Roanna yung fifty shades of grey? Humanda talaga ang dalawa na 'yun.

Tinalikuran na niya ako kaya tumayo na'ko pero bumagsak na naman ako ulit. Pancit! Ansakit!

"Oh! Masakit? Ayos ka lang ba?"

Aray! Ang sakit talaga. Kasalanan mo 'to panget ka! Pero, teka! Answeet ng kaibigan ko. Tinanong pa naman ako kung masakit. Sasabunutan ko talaga 'to.

"Hindi eh. Ansakit ng paa ko." Tinignan ko ang sarili paa at sinuri kung ano ang nangyari doon.

"Shan, namamaga."

"Then let's cut it."

"Shana!"

"Tara punta tayo sa clinic. Gamutin natin 'yan." Inaalayan niya akong makatayo.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon