✓Chapitre 19

66 6 0
                                    

Roanna's POV.

       "Fire plant - Plumbago indica is quite a common plant found in the parks and gardens of India. The plant is herbaceous in nature with entire and alternately placed leaves. The flowers which may be white, or light blur coloured in terminal spikes are 3 to 5 cm long. The tubular calyx is an important identifying charactistic as it beats sticky glandular hairs."

Ba't ba ako nakikinig sa discussion na'to? Ni halos parang kabisado ko naman lahat na klase ng bulaklak. Mukhang pinagloloko ko lang yung sarili ko dito ha.

Mabigat na napabuntong hininga ako sabay patong ng dalawang siko sa lamesa at hinawakan ang panga. Naging maayos at komportable na sana yung posisyon ko sa kinauupuan ng bigla akong napadaing. Nung basta na lang ako hinampas ng notebook sa ulo.

"Aray! Ano ba?!" Pabulong kong sigaw.

"Ano ba kasi yung ginagawa mo? Nakikinig ka ba dyan?" Mahinang wika niya din.

"Yun lang ba ang dahilan mo kung bakit hinampas mo ko ng notebook? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Saan pumunta yang utak mo?"

"Saan pa nga ba pupunta 'yun, kundi sa'yo. Kaya nga kita tinatanong kasi kanina pang napagabang sa isip ko."

"Sophie, tigilan mo na nga ako."

"Tsk! Aminin mo na lang kasing kinikilig ka? Atsaka ba't mo ko pinapatigil? Nahuhulog ka na ba yung kalooban mo para sa'kin?"

"Yuck, Cas---Sophie!"

"Oh my goodness, Roanna. Get yourself together. I'm not a tomboy nor a GXG para pumatol sa kauri ko."

Gusto ko siya sanang pagtawanan dahil sa kabaliwan niya. Ngunit baka mapansin ng guro naming nandito na hindi ako nakikinig at nakikipagtalo lang sa babae na'to. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at pinatong uli ang ulo sa lamesa para humiga ng tuluyan.

"Huy! Umayos ka ng pagkakaupo."

"Pake mo! Nagmakakaawa ako. Hayaan mo muna ako kahit saglit lang."

"Sige, bahala ka dyan kapag ikaw nahuli dyan. Nakuu!" Di ko siya pinakinggan.

Tinignan ko ang lalakeng nakaupo sa kabilang row at parehas pala kaming nakahiga sa desk namin saka parehas ding nakaharap sa isa't isa. Hindi ko namamalayan napatitig pala ako sa kanya dahilan para mawala ako saglit sa sarili.

Ang kinis ng itsura niya. Ang tangos din ng ilong at mapupula ang mga labi. Pasok naman siya sa standard ng isang gwapong nilalang ngunit ang pagiging bwisit niya lang ang nagbibigay dahilan para di siya makapasa at makapasok sa gusto ko.

Mayamaya halos din ko alam kung ano ang gagawin ko ng unting-unti niya inimulat ang mga mata at nagsisilakihan na lang rin ang mga mata ko sa kanya.

"Mr. Arquiza and Ms. Fortez! Kung pupunta man lang pala kayo dito sa school at matulog sa klase ko. Sana di na lang kayo pasok. Huwag niyong gawing bahay ang klase ko!"

Parehas kaming napabalikwas sa pagkakahiga at napatingin sa galit na galit naming gurong nasa harapan.

"S-Sir?"

Narinig kong parang suminghal ang katabi kaya bahagya ako siyang binalingan ng tingin. Pero kaagad din nangingibabaw ang sigaw ng gurong pinapatayo Kami ngunit nagdadalawang-isip ako.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon