✓Chapitre 69

58 4 0
                                    


Shana's POV.

        "Thank you much for the trip, your majesty." nakangiting wika ni Maxwell sa mga magulang ko. 

"You're always welcome, Prince Mackzwell. When will you return home?"

"I have no plans yet. I still have lots of things to settle."

"Mmmm! Very well, then. We'll see each other by the time you already decided to go back." 

Isang tango lang din naman ang tinugon ni Maxwell sa kanila at tuluyan na silang umalis. Naramdaman ko ang pagpantay niya sa'kin ngunit naiwan ang paningin ko sa sasakyan ng mga magulang. May kung anong pait at sakit na naman ang nararamadaman ko. Lalong-lalo na alam kong hindi isang tunay na Collidea ang kasama nila pero ginusto ko 'to kaya kailangan kong panindigan.

Hindi rin naman nagtagal at pumasok na kami sa loob ng mansion. Kaagad kong nakitang abala silang lahat sa pag-aayos ng mga gamit papasok sa mga kotse nila. Mukhang uuwi na ang lahat dahil sa pagod.

"Uuwi ka rin ba ngayon?" biglang tanong ni Rain.

"Mamaya pa siguro. Hihintay ko lang muna sina Dad." sagot ni Maxwell sa kanya.

Lumapit na din ako sa sariling kotse at inilagay sa compartment ang mga gamit. 

"Oh, sige! Kung ganun mauuna na pala kami. Masyado akong napagod sa byahe. Kailangan ko ng napakahabang tulog."

"HAHA! That's okay. I'll be fine here."

"Rain, I'll go with Shana." Bigla akong napatingin sa pinsan ko.

"Sigurado ka ba?"

"Yeah! And besides, medyo malayo pa yung bahay ko mula sa bahay nito."

Nakita kong tinanguan rin naman siya ni Rain habang ito binuksan ang compartment ng dala kong sasakyan. Hindi pa ako pumasok dahil bigla akong kinalabit ni Maxwell. Sandaling nagpaalam rin naman ako sa kanya saka pumasok sa driver seat. Sinadya ko pang ilock ang pinto ng passenger's seat para pagtripan ang sariling pinsan. Galit na galit naman niyang kinatok ang bintana ko pero mas lalo ko lang siya inasar. Ngunit mayamaya pa ay bigla niya ako sinigawan dahilan para mapatingin at pagtawanan siya ng mga kaibigan namin. Binuksan ko na lang din ang lock saka siya padamog na pumasok. Kaagad pa niya ako hinampas dahilan itulak ko ang pagmumukha niya. 

 Ang akala ko ay magpapahatid siya sa mansion ng mga Richardson pero bigla niya akong niyayang tumambay daw muna sa sariling bahay ko. Ayaw kong makipagtalo at umangal sa kanya kaya tinahak ko na lang ang daan papunta doon. 

"Ang sarap talagang kalbuhin ang impostora mo." angal niya ng makaupo sa sofa.

"Ba't di mo na lang ginawa?" 

"Aba! Kung pwede lang sana. Ang kaso alam ko din na baka mapapagalitan ako. Magaling siyang magpanggap pero hindi niya kayang itago na hindi siya ang totoong Montefalcon." Umiling-iling ako sa sinabi niya at umupo rin sa kabilang sofa habang may hawak ng pagkain sa kamay. Ganun na lang din ang gulat ko ng bigla niyang hablutin iyon dahilan para kumuha ako ng panibago sa ibabaw ng lamesa. "Napakabobo talaga ng babaeng iyon. Alam ba niya na basihan ang katalinuhan sa trono ang isang tunay na Montefalcon."

"I think she didn't..."

"Malamang! Parang gusto ko nga siya pagtawanan sa tinugon niya kagabi kina Auntie."

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon