✓Chapitre 36

28 2 0
                                    

Rain's POV.

Pagkatapos namin kumanta bumaba agad kami sa stage saka nilapitan ang kadate ko nakasimple light violet dress. Hinila ko siya sa table namin kailangan kong maging gentlemen simpre.

"Hi, sigurado naman kami na alam ninyo kung sino-sino kami." Wika ni Mark.

Walang kahit sino sa kanila ang nagsalita pero tumango lang ang mga ito bilang sagot.

"Well, sa tingin namin ang swerte niyo."

Matagal-tagal din kami nanatili dito sa table na hindi pa rin sila nagsasalita. Hindi ba sila marunong? Pinilit naman naming aliwin sila ngunit mukhang wala talaga silang planong kumibo. Kaya kami na lang yung nag-usap-usap. Hanggang sa....

"CR lang ako." Sabi ng kadate ko.

Napalingon naman ako sa kanya ng bigla itong napatayo. Sh!t! Tatlong salita lang yun pero bakit parang may rythm? Ganda ng boses niya.

"Samahan na kita." presinta ko.

"Wag na. Ayos lang."

"Sa'n punta nun?"

"Mag-ccr lang daw."

Tatayo na sana talaga nun pero mabilis itong tumalikod at naglakad papalayo. Wala akong nagawa kundi titigan siya habang unti-unting nawawala na ito sa paningin ko.

Mabigat na napabuntong hininga na lang ako saka pabagsak na umupo ulit. Kaagad din nila akong inasar dahil daw iniwan ako ng kadate. Napainom na lang ako ng sariling inumin sa kanila at mas piniling maghintay. Babalik pa naman iyon.

Ngunit lumipas na ang mga ilang minuto pero di pa rin ito bumabalik sa loob ng venue. Kaya punong - puno na ako sa pagtataka. Di na ako mapakali dito. Sa'n ba kasi pumunta 'yun?

"Dude, sunduin ko lang."

"Sige, ingat ka. Wag kang gumawa ng masama. Ang aga pa. Mayamaya na kapag hating gabi na para naman masaya yung mangyayari."

"G*g* ka ba, Charles!" Sabay batukan ko sa kanya.

Hindi ako ganung klaseng tao. Alam ko ang kahalagaan ng bawat pagkatao ng mga babae. Kahit ako pinaghahalagaan ko din naman ito. Dahil ibibigay ko lang iyon at ipaparamdam sa babaeng mapapangasawa ko sa huli.

Nasa tapat na ako ng banyo para sa mga babae. Simpre bawal akong pumasok doon kaya naghintay ako sa labas. Mayamaya pa ay may lumabas na babae mula sa loob at napaayos ako ng tayo saka lumapit sa kaniya para magtanong.

"H-hi." nahiyang bati niya.

"Miss, may nakita ba kayong isang babaeng nakasuot ng parang light violet na dress o baka naman nakita niyo diyan siya sa loob?"

"Ha? Sorry pero wala man dyan ibang tao. Ako lang po ang nandoon baka nakaalis na."

Nakaalis na?

"Ah, sige salamat."

Saan kaya pumunta 'yun? Pinapahirap ba niya akong hanapin siya? Lakas niyang pagtripan ako ngayon Prom Night ha. Kinakailangan ko din mag-enjoy doon sa party Hindi yung naghahunting ako ng babae dito sa labas. Kawawa naman yung astig kong damit tapos tinakasan pa naman niya ako.

Di pa muna ako bumalik sa loob dahil napag-isipan kong maglibot-libot pa sa labas para hanapin ito. Medyo matagal-tagal din ang nagdaan na mga minuto bago ko siya tuluyang nakita. Lumapit ako sa kanya at bahagya pa itong nagulat sa'kin ng bigla akong nagsalita sa likod nito.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon