✓Chapitre 62

56 4 5
                                    

Maxwell's POV.

       Nakaramdam ako ng pananakit ng katawan kaya bahagya akong gumulong sa kabilang bahagi ng kama saka sinalubong ang unan na bumungkad sa akin doon. Muli akong napapikit at pinilit na matulog ulit. Ngunit hindi ko maiintindihan ang sarili kung bakit parang ayaw niyang makinig. Mayamaya pa ay napagtanto kong bakit parang lumulubog yung parte na hinihigaan ko sa kama. Yung tipong parang may taong nakahiga doon. Pero dahil sa antok at pagod ay hindi ko nagawang pansin ulit iyon saka ako mas lalong bumaon sa unan. 

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlap pero nagising na lang ako ng naramdaman na may humaplos sa ulo ko. Dahan-dahan akong bumaling ng ulo sa kanya at ganun na lang ang gulat ko ng makitang nakahiga doon si S---

"Shana?!" 

Napabalikwas ako ng gising at talagang napaupo mula sa pagkakahiga. Sapong-sapo ko ang dibdib at ulo ko ng mapagtantong maaga na pala at nanaginip na naman ako sa kanya. Wala ako sa sariling tinitigan ang gilid ng kama na kung saan pala ko siya nakikita sa panaginip ko. 

Pero bakit ganito? Bakit sa pakiramdam ko parang totoo ang lahat nang iyon? Mahigit isa o dalawang beses ko palagi iyon napapanaginip sa isang linggo at sa dalawang buwan na ito. Ganito na ba ako talaga kasabik na makita siya ulit o talagang sabik lang akong bumalik na siya dito? Kung sana ganun kahirap siyang hanapin sa buong pilipinas ay nagawa ko na siyang iuwi. Ngunit masyadong mapagtaksil ang mundo at nagawa pa niyang makipaglaro rin sa tadhana. Na kung saan di na lang siya sumabay sa katanggahan at kag*g*han na iyon. Sana di niya na napag-isipang umalis. 

Marahas akong napasuklay ng buhok at muling napabagsak sa kama. Ilang minuto akong nakipagtitigan sa kisame habang blangko lang rin ang isip ko. 

'Dalawang buwan...'  bilang ko sa isip.

Bumangon na rin ako ng maalalang may klase pa pala ako ngayong araw. Mabilis lang din naman ang nagawa kong maglinis ng katawan at kaagad na sinuot ang uniporme. Nandito ako sa dating condominum ko kaya kailangan kumilos ako mag-isa. Di ko na rin napag-isipang kumain ng umagahan dahil masyado akong tinatamad na magluto.

Pagdating sa school kaagad kong tinahak ang daan papuntang classroom at walang pakialam sa mga taong dumadaan sa harap ko. Lalong-lalo na yung mga estudyanteng humaharang sa dinararaanan ko. Rinig na rinig ko pa yung malakas napagdaing nila sa sakit ng mabangga ko pero parang wala akong naririnig at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating sa silid ko.

"Smith..." 

Bigla akong napatingin sa pinto ng marinig ang boses ni Rain na tinatawag ako. Inis akong tumayo at binagsak ang earphones sa ibabaw ng lamesa saka lumabas ng classroom.

"What?" malamig na anas ko. 

Mahinang napasmirk ito sa'kin saka nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa sa suot niyang uniporme. "Anong 'what', Maxwell? Anak ng! Alam mo bang halos lahat ng mga estudyanteng nadaanan ko. Lahat pinag-uusapan ka."

"Lagi naman. May bago pa ba?"

"Kung tadyakan kaya kita diyan!"

"Ano ba kasi ang kailangan mo?"

"Wala---"

"Good! Pasok na 'ko." 

Maglalakad na sana ako papasok ng bigla niya akong hilain pabalik.

"Hindi pa ako tapos sa'yo. Pinuntahan kita dito hindi lang dahil ipaalam ang mga pinagagawa mo na naman sa mga kapwa nating estudyante dito. Kundi sinisiguro ko lang na papasok ka talaga ngayon sa klase mo."

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon