✓ Chapitre 26

67 7 0
                                    


Vanessa's POV.

          Kinuha ko na yung phone at susi ng kotse saka nagmamadaling bumaba sa hagdanan. Kaagad ko din tinahak ang daan papuntang garahe para sumakay sa kotse at makalabas na ng bahay.

Habang nagdadrive ako patungo sa bahay ni Rain para sunduin si Sophie doon. Huminto muna ako sa Starbucks para bumili ng hot choco. Naging bilis lang yung naging proseso ng inorder ko kaya nakalabas din kaagad ako. Ngunit lalabas na sana ako ng biglang...

"Van?" Lumingon ako sa kanya.

"Alex?" Humakbang ako palapit.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Obvious ba? Eh di bumili. Ano ang ginagawa mo kapag pumupunta ka dito? Tatae? Eh di bibili, diba?. Aish! Utak naman huo!" Pambara ko.

"Baka naman iba yung pakay mo dito?"

Mabilis pa sa alas kwartong sinamaan ko siya ng tingin pero nanatiling nang-aasar lang yung titig nito.

"Aish! Wala akong panahon para sa mga kalukuhan mo! O'siya! Aalis na ako. Nakakasawa yang pagmumukha mo e. Paupgrade mo naman kung minsan." Saka ako tumalikod sakanya.

Pumasok nako sa kotse at nagdrive na ulit. Buti at hindi nasiri yung araw ko sa lalake na 'yun. Ugh! Naiirita talaga yung lalamunan ko sa kanya. Para siyang bacteria lubok-lubok e.

Mayamaya pagdating ko sa bahay nila Rain. Agad naman ako lumabas ng kotse at nagdoorbell pero nagulat ako nung may sumabay din sakin sa pagpindot doon. Gulat na gulat ko siyang binalingan ng tingin at ganun na lang din ang pagkagulat ko ulit. Nang napagtanto kung sino iyon.

"Alex/Van?" Sabay naming wika.

"Tsk!" Sabay rin naming pagmura. Tinignan ko siya ng masama ganun rin siya.

"Stop following me!" Sabay na naman.

"No! You stop following me!" Sabay rin namin ulit-ulit.

"I said stop!"

"Alex/Van."

"Rain/ Sophie."

"Ah. Sige salamat, Rain. Sa pag-aalaga sa kanya. Sige, una na kami ha " Saka ko hinila si Sophie palalabas.

Kitang-kita ko ang pagtataka ni Rain ng gawin ko iyon kay Sophie. Pagpasensyahan niya na dahil talagang nagmamadali kami makaalis. Kailangan ko pa kasing ipaharap 'to sa pinsan niyang halos naging halimaw na kagabi sa galit. Pagsakay naming dalawa sa kotse. Agad kong inabot sa kanya yung hot choco na binili bago binuhay ang makina ng sariling kotse.

"Thanks."

Pagkatapos nun hindi na siya uli ng salita kahit ako. Sa tingin ko naramdaman din niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

"Ahm? Van? Ano kasi..."

"Don't do that to me. Do it in front of her. I doubt that she won't get mad but I'm sure your into trouble." Seryoso kong wika.

Mukhang nagulat naman siya at natakot. Ngunit mayamaya din narinig ko ang mahina niyang pagsinghal kaya saglit din akong napatingin sa gawin niya at binalik din ulit sa daan.

"Van, please help m--"

"You know I can't, Cassandra. You know I  can't..."

Napabuntong hininga nalang ako at tinuon ang buong atensyon sa daan. Naramdaman kong ang pagdiin ng pagkakasandal niya passengers seat kaya alam ko kung gaano siya natatakot harapin ang sariling pinsan. Gugugudtuhin ko man siyang tulungan pero di ko alam kung papaano.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon