✓Chapitre 25

77 10 0
                                    

Rain's POV.

       Di ko alam kung nakakailang mura pa yung nagawa ko bago ko siya tuluygang binuhat papasok sa kotse. Mabilis rin ako pumasok sa driver's seat para makaalis na din sa gitna ng kalsada. Nang binuhay ko ulit ang makina kaagad ko din tinahak ang daan papauwi.

Nababaliw na siguro ang babae na'to! Kung hindi niya sana napag-isipan magdrama sa gitna ng daan. Eh di sana hindi ako giniginaw ngayon dahil basang-basa talaga ako. Pero mukhang di pa nakuntento sa kabaliwan niya at nawalan pa talaga siya ng malay.

Inis na inis akong napabuntong hininga at marahas na hinampas ang manibela. Ngunit mayamaya pa ay hindi ko napigilan na di mapatingin sa rearview mirror. Agad na bumungkad sakin ang babaeng walang malay pa ring nakahiga sa backseat ng kotse ko. Magsasalita na sana ako ng bigla kong naramdaman ang pagdaloy ng kakaibang ginaw. Kaya mabilis pa sa alas kwartong pinatay ko yung aircon ng kotse saka dumiin sa pagkakasandal.

Hindi din nagtagal nakarating din kami bahay agad naman nilang na pansin ang kotse ko at dali-dali nilang binuksan yung gate.

"Good evening po, Sir."

Tinanguan ko lang yung babaeng kasambahay namin ng makababa mula sa kotse at maingat na binuksan yung back seats.

"Paghahandaan mo ako ng mainit na sopas at dalhan mo na din ako ng mga pambabaeng damit sa taas." Utos ko sakanila.

"B-bakit mo pambabae, Sir Rain?"

"Don't asked why. Get me some towels."

Inabot naman nila sa'kin yung towel saka ko nilagay sa buong katawan niya at binuhat papasok ng bahay.

Dinala ko siya sa kwarto ko in case na baka dumating sina Mom and Dad. At baka magulat pa ang mga 'yun na may babae akong dinala dito sa bahay. Nilapag ko siya muna sa couch ng kwarto ko at tamang-tama lang din ang pumasok nung maid na inutusan ko.

"Bihisan mo siya. Bilis!"

Saglit na pumasok muna ako sa banyo para maligo at magbihis ng panibagong damit. Parang mamatay na ako sa lamig kaya kinakailangan ko din iligtas ang sarili ko. Medyo natagalan ako sa loob ng CR pero paglabas ko tapos na itong bihisan si Sophie. At mabuti naman nagawa niya ng maayos yung trabaho niya.

"Saan yung soup na pinautos ko?"

"A-ah nandito po, Sir. Saka po yung mainit na tubig atsaka basahan. Saka ito rin po yung gamot niya. Mukhang nilalagnat po siya sobrang init niya po."

Nilalagnat? Yun ba kung bakit nahimatay siya kanina.

Tinanggap ko na lang yung inabot niya at kaagad siyang pinalabas ng kwarto ko. Sandaling inayos ko pa muna yung higaan bago ako tuluyang lumapit Kay Sophie para binuhat siya papahiga doon sa kama ko. Pagkalapag ko sa kanya kaagad kong kinuha yung tray saka maingat siyang ginising para kumain atsaka mapainum ko na rin sa kanya ang gamot nito.

"S-saan ako? Ba-bakit nandito ako?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya habang napaupo naman ito ng maayos sa kama. Umupo ako sa gilid niya at ibinigay sa kanya yung mainit na sopas.

"Here eat this. So you can take your medicine to make you feel better."

"No, thank you."

Sinubukan ko siyang subuan ng pagkain pero ilang beses niya din akong tinanggihan. Nagawa pa niyang tapihin ang kamay at muntikan pa akong mapaso dahil doon. At dahil sa inis, marahas kong nilapag muna yung bowel sa side table ng kama.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon