✓Chapitre 5

135 10 3
                                    

Shana's POV.

Ito talaga ang araw na ayaw na ayaw ko sa lahat. 'Yung araw kung saan may flag ceremony kayo at sobrang aga pa nun. Ugh! Paano pa naman may kondisyon yung mga faculty and staff na kapag nagce-ceremony dapat walang may nagtutulugan at sa pagkakataon na mahuli ka.

Pinipilit ko naman talagang hindi makatulog dahil napuyat ako sa ginagawa ko kagabi. May ginawa lang kasi akong isang dokumento. Sobrang haba nun at ako lang ang mag-isang gumagawa.

Kung pa minsan-minsan kapag hindi tumitingin ang mga teachers ko, pinipikit ko talaga ang mga mata ko. Kaso parang ang sarap sa pakiramdam, parang gusto kong matulog.

Ngunit sa pagmulat ko, laking gulat kong nakitang nakatingin na pala sakin ang Vice President ng school. Naku naman po! Patay! Working Detention na ito panigurado.

-

Wala naman kahit anong dumi dito, ba't pinapalinis pa nila sakin nito? Lakas ng trip nilang ipagawa sa'kin 'to ha. Hindi rin naawa may klase pa ako at kailangan ko din mag-aral.

Kailangan pa nga ba?

Di pa ako nangalahati sa area na kung saan nila ako nilagay. Napakalawak at napakalaki ng Ouran. Walang biro kung gaano kalaki ang eskwelahan na'to!

"Ohmygosh! Si nerd isa na ngayong janitor ng school natin. So bagay sa'yo." Sabay tawa ng mga babae sakin.

Napatingin ako sa babae na nasa gitna nilang tatlo at agad siyang nakilala. Kinikilala siya ng buong campus bilang Ms. Ouran o mas kilala bilang Queen Bee. Tama kayo. Isang bubuyog.

Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa. Nagmamap ako ng sahig. Shempre! Alangan naman yung pader diba. Nang bigla pa naman nilang tinapunan ng juice ang sahig. Agad na napaangat ako ng ulo at sinamaan sila ng tingin.

"Oh Ano ang tinitingin mo dyan?! Linisin mo 'yan! Janitor ka hindi ba?! Binabayaran ka naman dito kaya magtrabaho ka!" Maawtoritadong utos niya sa'kin.

Di ka pa rin nagbabago. No wonder why they were having a hard time in find you because you always keep on runaway with that freaking attitude.

"What's the matter with you people."

Natigilan sila sa pagtawa at nilapitan naman ako ng babaeng nasa gitna nila. I can't say her name because I don't like it.

"Aba! Aba! Sumasagot ka pa! Mukhang hindi mo naalala ang kasalanan mo kinalaunan. Pwes! Ako na mismo ang magpapaalala sa'yo!"

Nabigla ako sa pagtulak niya sa'kin papaatras. Mabuti na lang at naalerto ako dahil kung hindi paniguradong napaupo ako sa sahig.

"Unang-una sa lahat ang kapal ng mukha mo para kausapin si Maxwell. Bakit sino ka ba? Ano ka ba niya ha? Akala mo naman maganda. Hoy! Di ka pinagpala sa mundo. Panget ka!"

"Do I?"

"Pangalawa, ang inaakala kong makapal na mukha mo lang. Hindi lang pala dahil isa ka rin palang malandi! Ang landi mo para pumunta sa mall kasama si Maxwell. Papaalala ko lang sa'yo. NERD ka lang at wala kang karapatdapat na mabuhay sa mundong ito."

"Hindi ko kasalanan na maya't maya siyang lumalapit at ginugulo ang buhay ko. Know what the truth is before you shout on my face."

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon