✓Chapitre 13

89 7 0
                                    


Carolina's POV.

Ngayon na ang last day namin dito sa Monte Carlo. Pero bago pa man kami umalis at lilipad pabalik ng Pinas. Sabi ni Miss Mendez pupunta muna kami sa museum dahil ito na daw ang tamang araw para bumisita doon. Kailangan natin naming sulitin 'to at sa museum iyon gaganapin.

Daming alam noh?

"CAROLINA!"

Halos napatalon ako sa gulat ng bigla na naman sumigaw si Roanna sa labas ng hotel room. Akala mo kung makasigaw wala ng bukas eh.

"Nandyan na!"

Sinira ko na ang bag at chinicheck ulit yung room. Baka kung may naiwan pa akong mga gamit. Nung masiguradong wala na kong may naiwan. Lumabas na ako at patakbong bumaba papuntang lobby para ibigay ang susi sa receptionist.

Pagdating ko dun lahat sila handa ng lumabas habang ako hindi pa! Shocks! Ano ba 'to?! Saan na kaya sila?!

Where they could be? Di naman naiiwan na lang basta nila ako dito. No! I want to go home. Even how beautiful and magical this place are.

Di ko mabilang kung ilang 'hanap-hanap' ang naiwika ko sa isipan para hanapin sila. Ngunit sadyang mapaglaro yung tadhana at pinapahirapan ako. Mababalian na ako ng ugat at buto sa leeg di ko talaga sila makikita.

Waah! Saan na ba ang mga 'yun?!

"Carolina!"

Agad akong napalingon sa kaliwa para sundan ng tingin ang boses na iyon. Napatalon naman ako sa tumawa ng makita silang nakatayo sa di kalayuan. Mabilis na tumakbo ako papalapit sa kanila at sabay sabay silang niyakap.

"I'm safe."

"Ai! Anong dramang 'to?! May nalalaman ka pang yakap dyan. Chansing ka ha!"

Napabitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanila sabay pout sa harap nilang apat. Nakakatampo!

"Grabe kayo! Hindi niyo kasi naranasan at naramdaman kung paano mawala sa gitna ng rally. Mga wala kayong puso! Ang yayaman niyo. Kumuha nga kayo ng heart donor sana yung pusong may pakiramdam, di katulad sa puso niyo ngayon."

"Yuck! Carolina! Huwag ka nga magpout dyan! Nakakadiri! And FYI, may pakiramdam kami noh! Sadyang lutang at ang bagal mo lang talaga."

"Anong yuck dyan?! Makapagsalita!"

Sinamaan ko ng tingin si Roanna pero yung abnormal kong kaibigan tinawanan lang ako. Loka-loka talaga 'to. Upakan ko kaya!

"Ladies! Come on! Let's go! We're about to leave. Don't you wanna know about Monte Carlo?" Sabay sabay kaming napalingon kay Miss Mendez.

"No, thanks." Shana...

"Of course, we do." Vanessa replied to cover up Shana from her disgrace.

"Well, then... Let's go!" Yaya ulit ni Miss Mendez.

Napatitig na lang kami sa likod niya habang naglalakad na ito papalabas ng hotel. Mabilis pa sa alas kwartong sabay-sabay naming binalingan ng ulo si Shana ngunit nagsisimula na din itong maglakad.

Walang bastusan, please...

Ano pa ba ang magagawa naming apat sa isang katulad niya? Sumunod na lang kami sa kanya at sumakay na sa Academy Bus namin. Ang bilis niyang makahanap ng upuan kaya pinaghirapan pa muna ang mga sarili namin bago makaupo.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon