__
Ang ganda ng kalangitan ,
Nagkukulay asul na kay gandang pagmasdan.
Kapag ito'y aking tinitigan para akong sinasayaw sa ilalim ng kalawakan,
Sa gitna ng lahat ng ating pinagdaanan.
Heto ako ngayu'y nakatitig sa kalangitan at naghihintay kung kailan kita muling masilayan,
Masilayan ang matatamis mong ngiti habang magkasamang nakatitig sa kalangitan.
Kislap ng iyong mga mata'y nais kong muli'y masilayan,
Ang gaan sa pakiramdam kung ito'y aking nasisilayan.Ihip ng malamig na hangin.
Hangad na dinggin ng bulong nang hangin
Na ika'y makapiling at muling makikita sa ating kanlungan,
Nakangiting nakapikit, hinihiling na sana'y tayong dalaway magkasama at sabay pagmasdan ang marilag na kalangitan na noon pa ma'y palaging magkasamang tinutunghayan.__
✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba
![](https://img.wattpad.com/cover/292771010-288-k389655.jpg)
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoetryAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.