---
Sa bawat patak ng ulan,
Simoy ng hangin na kay lambing sa katawan ang humahagkan.
Hangin na parang pinapagaan ang iyong mabigat na nararamdaman,
Hangin na sumasabay sa ulan.
Sa kalagitnaan ng ulan, naramdaman ko ang ilang butil ng luha na nagsibagsakan.
Tila ito'y hindi matigil sa pagkawala na kahit ako'y hindi alam kung paano ito pigilan.
Patuloy na nagsibagsakan ang luha na sumasabay sa ulan,
Sanla na hindi malimot-limotan. Wari ito'y nakatatak na sa puso't isipan.
Matutunog na buntonghininga ang pinakawalan,
Maraming hadlang sa ating pagmamahalan at isa na dito ay ang karalitaan.
Suyuan na walang kasiguraduhan,
Pag-ibig na walang patutunguhan dahil aking pagmamahal ay unti unti ng lumilisan.
Kakulangan ng atensyon at pagmamahal mo ang sanhi
kaya ating relasyon ay lumalabo na at nawawalan ng sidhi.
kaya, kasabay ng pagtila ng ulan, paalam aking mahal.
--
✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoetryAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.