Pagitan
---
Pagkahumaling sa iyo ay tila ba isang malaking kasalanan,
Mahirap kalimotan lalo na kung hindi ito nasosolusyonan.
Pagkahulog ng loob sa iyo ay mahirap dalhin na wari ako ay isang taong makasalanan.Kung sakali ma'y magkatotoo ang pag harang sa pagitan,
Huwag mo sanang kalimutan na kahit sa munting panahon, tayo ay naging magkaibigan.
Iyong tipong, ikaw palang ang malalapitan sa tuwing may kinakailangan,
Huwag ka sanang magtarak ng patalim sa iyong puso't isipan dahil siguro ako'y dumadaan sa iyong buhay lamang.Paumanhin sa aking presensiyang naging rason sa iyong kahinagpisan,
Hindi ko labis na inaasahan na ngayong gabi pala ako magpapaalam.
Ako'y nakiramdam na malapit lang ang kahel na buwan,
Sana'y aking damdamin ay iyong maiintindaihan.Kung ako man ay iyong makalimutan,
Salamat parin sa mga ala ala na iyong iniwan.
Kung sakaling ang pagitan ay hindi magiging hadlang,
Siguro ang tala at buwan nalang ang bahalang mag ayos sa ating pusong minsan ay nagkaintindihan.---
✍🏼: Munch_keyn/ Melanie BAMBA
: This poem is for someone who's been hurting and respecting of what I have already. I hope we both take a step after the gap between us.
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoesiaAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.