---
Lumiliwanag ang daan sa tuwing ika'y nariyan,
Lambing ng iyong mata'y nagsasabing nais akong mahagkan.
Mata mong tila nagniningning sa kalangitan,
Buhok mong sinasayaw sa hangin at siyang nakapagdagdag ng magandang tanawin sa kapaligiran.
Matatamis na ngiti sa iyong mga labi ay hindi nakakasawang pagmasdan.Nangako sa isa't isang walang sawaan,
Dala dala ang masasayang ala-alang pinagsamahan.
Pilit kinalimutan pero puso'y nasusugatan,
Senaryong pabalik balik sa isipan.
Tila ito'y nakatatak sa puso't isipan,
Sa hindi inaasahan.
Ika'y biglaang lumisan,
Lumisang walang paalam.
Saksi ang mga lumuluhang mata sa iyong huling hantungan,
Paalam.---
✍ : Munch _Keyn / Melanie Bamba
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoesíaAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.