25: Hiling

17 2 0
                                    

---

Taghoy sa gabing mapanglaw,
Tanging hiling na makapiling ko'y ikaw.
Milyong distansiya ang pagitan nating dalawa,
Gusto ko mang puntahan ka, alayan ng marilag na gumamela.
Kantahan ng malalim na kanta kasabay ang tinig ng gitara,
Kahit ilang luha ang pumatak sa aking nagsusumanong mga mata.
Hindi ko magawang puntahan ka,
Dahil sa walang namamagitan sa ating dalawa.
Pareho tayo ng nadarama,
Pero hindi iyon sapat para payagan akong puntahan at masilayan ka.
Sinta,
Sana'y hindi mo makalimutan ang iyong pangakong para sa ating dalawang nagsasama.
At ang ala-ala na sandaling tayo'y lumuluha sa saya,
Sinta, kung nasaan ka man mag iingat ka.

---

✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now