28: Hinagpis para sa sarili

16 1 0
                                    

---

Bakit kaya ako ganito?

Puso ay hindi maintindihan,
Isip ay tila ba nakipagdigmaan.
Sa aking pagkabuhay ay hindi ko malaman kung bakit lagi nalang,
Waring ikunulong ang sarili sa mga palaisipan, lagi nalang.

Kung mayroong gala na kung saan,
Pilit kong isiniksik sa aking isipan na sana ay marunong akong makisama man lang.
Ang lumbay sa aking pusong nararamdaman ay hindi ko lubos mapigilan,
Aking gusto ay ikulong ang sarili sa tahanan at gawin ang nais ng isipan.

Mahirap amining hindi ko man lang makayang makipagsabayan,
Gusto ko lang ay mapayapa na tahanan na kahit ako ay ikulong ay ayos lang.
Sobrang hirap lalo na kung hindi ka nila kayang maintindihan,
Kaya paningin nila sa akin ay wala sa katinuan, hindi marunong makisama o kumilala ng kung sino man.

Nais ko lang namang bigyan ng kapayapaan ang aking isipan na gawin ang utos nito,
Ngunit bakit ba itong sarili kong kahit paglaban sa emosyon sa akto ay hindi magawa at hindi pa mapigilan ang luha na tumulo.
Bakit kaya ako ganito?
Ang gulo sa isipan pati sa puso ko.

Nais kong sisihin ang sarili dahil sa ganito ako,
Ngunit hindi ba dapat, kilalanin muna nila ako?
Ang sakit isipin na isa kang tahimik na tipo ang tao na madaling ma apektuhan ng emosyon at madala dala pa sa akto.
Tila ako ay hinahabol ng mga katanungan sa isip ko, babaguhin ko kaya ang sarili ko?

Pilit nilalabanan ang luha sa aking mga mata,
Nakatanaw sa aking mga kasama.
Batid kong napaisip sila sa aking pinapakita,
Ngunit hinihiling ko na lamang na sana ay maintindihan nila ako sa simpleng pagpatak ng aking luha lamang.

Kung babaguhin ko ang aking sarili para sa kanila, ako naman ang magdurusa.
Pagpipigil sa emosyong kumukuwala, dahil sa pagpilit sa sarili sa hindi nais na gawa.
Sa aking pag-upo at pagninilay dahil sa pag gala na ako lang ang naiiwang nag- iisa.
Nasagot ko ang katanungan sa aking isipan na bahala na, na sa tao na iyon kung gusto akoang makasama kahit ganito ang aking pinapakita.

Ngumiti ako ng hindi abut sa mata ngunit hindi na pilit gaya ng kanina,
Hindi ako araw araw ganito kaya mas mabuting magpakasarili na lamang ako.
Mayroon pa namang tao na makaka-intindi sa akin bukod sa sarili ko,
Iyon ay ang taong hindi lang sa tuwing kadiliman nariyan kundi palagi at ipinagdadasal pa pati ang kaligtasan ko.

---

✍🏻: MUNCH_keyn /Melanie Bamba

She says: Sobrang sakit aw, aw 😭kd, iyong nasa gala ka pero nasa gilid ka nagsusulat ng tula with iyak iyak pa. Magbabago na ako it will take time pero susubukan ko lang.

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now