19: Pitak

20 2 0
                                    

Ito ang pinasa ko sa Filipino sub namin HAHAHAHA di ko naman akalain na babasahin ni maam, nawala nga sa utak ko-- teka sino nga sinusulatan ko nito? napatanong ako sa sarili huhu HAHAHAHA kunwari inlove pero baka 🦖

---

Iyong mga mata'y tila naglalambing,
Hindi mapigil ang pusong nahumaling.
Titigan na hindi ma ibaling,
Mga mata mong may kislap katulad ng isang bituwin.
Ikaw ay pitak ng lahat sa akin.

Sinisinta na sa aking pag gising,
Makapiling ka sa habang buhay ang tanging hiling.
Ikaw ang nagsilbing liwanag, sa aking buhay na nabalot ng sakim.
Ikaw ang nanatili sa akin,
Kahit sa mga panahong makulimlim.

Ninanais na hindi ka sa iba mahumaling,
Sana ay dinggin ng hangin ang aking hiling.
Na makasama ka, haggang sa aking huling hininga.

Nagunitaan ko pa ang ngiti sa labi mong nakakahawa.
Maluwag ang bawat paghinga,
Sa tuwing nariyan ka.
Kay sayang mapagitnaan sa iyong mga bisig aking sinta.

Ikaw ang pitak ng lahat sa akin,
Ganoon rin ang pag ibig na nararamdaman mo para sa akin.
Ikaw ang aking nagsilbing tahanan,
Ikaw ang aking uuwian.

---

pitak - bahagi

--

✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now