27: Maari kaya?

13 1 0
                                    

---

Pusong waring tinutusok ng ilang pirasong  karayom,
Pagpatak ng luha dahil sa iyong mga salitang parang lumabas sa kamay na nakakuyom.
Magaganda sanang plano ang pinag-isipan,
Ngunit sa isang gabing hindi nagka-intindihan.
Biglaang nagkagutay gutay,
Puso mo ay parang pinipiga ng dalawa kong mga kamay.
Hahayaan mo ba akong ayusin at patunayan sa iyong mga matang pag asa ang kumakaway?

Mga pagkakamali kong sa iyo ay nagawa,
Dahil sa mga emosyong nahihirapang kumuwala.
Maraming beses kang nabigo,
Pagkatapos ay tila hinahaplos ang iyong puso sa aking pagsuyo.
Panliligaw sa akin ay hindi kailanman naging sa iyo'y biro,
Pagtanggi na maging iyong nobya na kung bibilangin ay nasisigurong lagpas sampo.

Sa ilang taong pag gawa ng mga bagong memorya,
Na kahit ilang dekada ang lilipas hindi mawawala sa ala-ala .
Hindi magpapigil ang mga pait at lungkot sa pagsilip,
Marahil sa hindi pagkaka-intindihan o sa mga bagay na ayaw intindihin ng isip.
Kung magawa ko ba ang iyong mga planong aking nasira ay papayagan mo akong liligawan kita?

Alam ko sa sarili ko na ako'y binibini,
Gagawin ang makakaya aking ginoo lang ay hindi mawalan ng sidhi.
Maari bang ikaw ay aking sandalan hindi lang sa panahon ng pangangailangan?
Maari bang ikaw ay magiging lahat sa akin hanggang kailanman?
Maari ko kayang marinig ang matatamis na 'oo' sa aking ginoong nililigawan?
Maari bang ako nalang ang gagawa sa iyong mga planong na udlot dahil sa aking kagagawan?
Maari bang ang ikaw ay magiging pitak sa akin, aking itinuring na ilaw sa aking kadiliman?
Maari ba aking tahanan?

---

Munchkeyn says: Ikaw nalang ang bahala kung iyo bang paniwalaan -,- chars hAHAHA hindi kasi, hindi ko ito ibinigay sa kaniya hindi pa ngayon pero siguro puhon puhon kung okay na, pero sana kung okay na, okay pa.🥺

✍🏻 : Munch_keyn/ Melanie Bamba

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now