"Hiling sa buwan"
Kasiphayuan ang siyang naramdaman,
Isang ginoo sa makaraan lumisan.
Kuwentong naudlot sa mga kadahilanan,
Pagod ang mga matang tumitig sa mga talang nagniningning sa kalangitan.
Ito ay ang aming naging kapalaran, kasiphayuan.
Kasiphayuan sa isang binibining naging bulag bulagan."Kung mayroong lumisan, mayroon rin kayang paparating na mas higit pa sa lumisan?"
Kasiyahan ang siyang naramdaman,
Isang ginoong nahumaling sa isang binibining may tanyag na kagandahan.
Lahat ng mayroon sa binibini, ay kaniyang kinahumalingan.
Isa siyang ginoong makatarungan,
May panindigan, lahat na katangian na hinihiling ng isang binibini habang kausap ang buwan.Dalawang tao aking nasilayan,
Nagsasayaw ng masinsinan sa ilalim ng kalawakan.
Puno ng nagniningning na bituwin at naging ilaw ang maliwanag na buwan.Isang ginoo ang trumato,
Sa isang binibining labis ang kaniyang pagkagusto.
Tanaw ko rito,
Ang dalawang taong pinapahalagan ang bawat minuto.
Sumilay ang aking matatamis na ngiti, bumulong "magpakasaya kayo".___
if you know what I mean😉this is almost 15 minutes na ginawa. Hoping you'll love this! sariling likha ni Munch_keyn. (baka kasi may magtaka okay, bye.)
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoezieAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.