---
Pinagmasdan ang kalawakan,
Matutunog na buntonghininga ang pinakawalan,
Malumbay ang laging nararamdaman sa kalooban.
Oh, kay hirap labanan ,
Suyuan na naudlot dahil sa karalitaan.
Luhang nagsibagsakan sa sakit na nararamdaman,
Binuhos ang luhang natira habang nakatitig sa kalawakan.Aking sinta, hindi ko malaman kung ikaw ba ay aking pasalamatan.
Binuwis mo ang iyong buhay para sa ating pagmamahalan,
Pagmamahalan na hindi nais bigyan ng katapusan.
Ngunit ano pa bang magagawa ko kung ikaw ay tuluyan nang lumisan?Luhang ayaw magpapigil sa pagkawala,
Nakatitig sa kalawakan na puno ng nagninigning na tala.
Iniisip na ika'y kapiling na ng mga tala.
Sinta babaunin ko ang sanla nating dalawa'y nung ikaw ay buhay pa at tayo'y lumuluha sa saya.---
✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoesíaAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.