A/N: Nilapit ko rito. Nabasa naman niya. Hindi ito gawa sa piksyon. Bukal sa pusong Pasasalamat.
_'
Aking Pasasalamat para sa naging tatay ko'
_Naging malaking parte ka ng buhay ko,
Kahit tayo'y nagkakilala sa tinawag nilang ibang mundo.
Hindi man tayo magkadugo,
Ngunit pagturing ko sayo'y tunay ma ama ko.Sa panahon ng aking kapighatian, kabaliwan, kasiyahan.
Ikaw ay laging nariyan,
Nakikinig at dinadamayan.
Kaya ikaw ay lubos na aking pinasasalamatan.Ang maririlag na kapaligiran,
Nakapagpaalala sa akin ng iyong katangian.
Ang mga asul na ulap sa kalangitan,
Tila naghahabulan.
Kasing bilis ng iyong pag iisip sa mga kabaliwan,
Kapag nagunitaan, pinapahalagahan.Nasilayan na iyong postora sa litrato,
Kung titingnan isa kang matimyas na Ginoo.
Kapag masilayan ang iyong mga mata kahit lamang sa litrato,
Tila may tapang na nakaukit doon at sinasabing' hindi ako susuko'.Minsan napaghalata kong ika'y pagod na.
Tila nakaramdam ng tila susuko na,
Maraming ginagawa.
Parang bola, ikaw ay bigla bigla nalang nawawala.Napagbulay na ikaw ay may sariling buhay,
Kailangan din ng karamay.
Ngunit sa panahon na iyon wala akong ka malay malay,
Puro sarili kong ganap sa buhay,
Ang tangi kong ikinuwento at tila inalay.
Hindi man lang kita hinayaang magpahingalay,
Puro kuwento ako sa aking buhay.
Iyon ang isa sa aking kamalian nagawa sa tanang buhay.Kung hindi dahil sa iyo,
Hindi ko malaman kung ano ang ganap sa buhay kong to.
Nang dahil sa iyo,
Napagtanto kong may bagay bagay na 'hindi pala dapat ganito'.
Laking pasasalamat ko talaga sa'yo.Nang dahil sa iyo,
Natuto akong magpakatotoo sa sarili ko,
May mga bagay na kay dali ko lang inabanduna.
Natutunan ko sa iyong pahalagahan ang bawat nadarama.Natutunan ko sa iyong sumulat ng tula,
Natuto ako sa mga simple mong salita.
Sa pagbaybay at gramatika.
Salamat sa pagbigay liwanag sa aking mga mata,
Sobrang salamat talaga.
Hindi ko na isa isahin pa,
Ang mga tulong, pagturo, pagpadarama.
Salamat.---
Iyaq while sinulat. (ب_ب) it's not the same like before. Lot of things had changed. To the person who's always been there for me, before. I owe you a lot. I learned a lot from you. Anyways, I wish you the best and take care. Keep going! pati sa panghihilod ahahashs.
ʕっ•ᴥ•ʔっ
*/ a hug from patatas✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoetryAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.