Kay ganda ng kalangitan.
Kulay asul na kung titingnan mapapawi ang iyong kalungkutan.
Sa hapdi ng aking mga mata,
Gusto kong isigaw na sapat ako kahit iniwan nila akong nag iisa.Napakaganda ng buwan, na aking nasilayan,
Dilaw na buwan na nagsasabing andito pako at hindi kita iiwan.
Sa kalagitnaan ng paghikbi,
Mga Tala na tila nag niningning sa kalangitan ang aking naging sanggunian.Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi,
Na kahit iniwan nila akong sawi.
Nararamdaman ko pa ring mayroon akong kakampi,
Ito ang tala at buwan na makikita ko gabi gabi.
__________✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoetryAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.