Project namin to sa Filipino, tula ang pinagawa sa amin ng ka grupo pero ako lang rin ang gumawa HAHAHAHAHA
------
Pagmamahal at pagpahalaga sa sarili,
Ito ang paksa na aming napili.
Magsilbi sanang paalala ang tulang ito
Sa mga bata, matanda at sa lahat ng kapuwa tao.Pag-ibig ngayon ay pagkagulo-gulo,
Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit may kulay ang mundo.
Kung minsan ay baluktot, kung minsan ay wasto.
Sa pag-ibig dalawa ang posibleng tiyak -- magiging masaya o iiyak.Marami ngayon ang naging uhaw pag-ibig.
Mas mabilis pa sila sa agos ng tubig.
Ang pag-ibig ay hindi isang karera.
Kaya payo ko lang na mag-aral ka muna.Ang pag-ibig ay masaya ito sa una,
Kagitnaan ng istorya puso at isip ang pinapagana.
Katagalan, parang nagiging panis na tinola,
Kung bibitiw ay masakit pa sa hindi inakala.Kailangan pa na manglilimos ang iilan,
Para lang ang oras sa kanila ay ilaan.
Sabi nga ng iilan,
Kahit saang anggulo titignan ang pag ibig ay nagdudulot ng kaligayahan.Tandaan mo na hindi ka pulubi.
Ang atensyon at pagmamahal ay hindi mo dapat hinihingi.
Dapat siya ang kusang nagbibigay,
Patunay na ang kanyang pag-ibig ay tunay.Hinayaan ka niya na masaktan.
Iniwan ka niya na luhaan.
Kaya mas mabuting mahulog sa kanal
Kaysa mahulog sa taong hindi ka naman mahal.Puso ay waring sinagutan,
Dahil sa kaniyang pag lisan.
Mga katagang na tumatak sa puso't isipan,
Puso ay nakaramdam ng lumbay at sugatan.Kaya magtira ng pagmamahal sa iyong sarili,
Hindi ang taong hindi ikaw ang pinili.
Kung iisipin waring mawawalan ng sidhi,
Ibaling ang tingin sa sarili.Sa kasalukuyan dadating rin ang tamang tao para sa iyo,
Ang taong magmamahal sa iyo ng buong-buo.
Pag ibig ay hindi perpekto,
Ngunit, tila kayo ay bubuo ng sariling mundo.Ngayo'y maglaan ng oras sa pagpapahinga.
Matulog ka na walang sakit na nadarama.
Piliin mong maging masaya.
Hindi ka nag iisa,
Sa sarili maapuhap ang pag ibig na hindi maipadama ng iba---- kahit man siya.-----
✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoetryAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.