06: Kabataang Pilipino

61 2 0
                                    

Ito iyong ako MISMO ang nag volunteer para sumulat kuno ng tula noong panahon ng pandemic tapos students day ata iyon. Nag post ang page ng school namin na may mga events na like poetry, slogan blablabla akala ko ko contest kaya kabadong kabado akong nag p. m. kung puwede ba sumali HAHAHA tapos sinend agad ang tema tapos andali ko lang sinulat like mga hindi abut sa 20 minutes kaya nahiya akoang e send😭.

---

"Kabataang Pilipino,may makabansang paninindigan gamit ang puso, galing at talino"

Isa ako sa kabataang Pilipino,
Na may paninindigan gamit ang buong puso.
Adhikang ibahagi sa aking kapwa Pilipino ang aking likhang tulang ito; na wala sa pagiging edukado ang mayroong talino, husay at mabusilak na puso.

Sa industriyang ito,
Karamihan sa mga tao, pawang tinitingna'y bumabase lamang sa panglabas na anyo.
Hinuhusguhan ang ibang hindi nakapagtapos sa pag aaral at hindi edukado.
Ako'y nalilito,
Waring tumatagos ang bawat matutulis na salitang lumabalabas sa mapanghusgang mga tao.
Bumabagabag sa isip, puso at sa aking buong pagkatao.
Kung bakit karamihan bumabase sa uri ng estado sa buhay ng kung sino.

Iba ang kabataan sa panahong ito,
Karamihan, nalulong sa mga maling gawain at sa bisyo.
Nawawala sa tamang huwisyo,
Kakulangan sa pagmamahal kaya't sila'y nagkaganito.
Napahinto't napagtanto,
Bawat kabataan at pilipino ay may makabansang paninindigan,
May angking talino,galing at nalilingid na talento.

Huwag husgaan ang ibang kabataang pilipino,
Kung dahil sa estado ng buhay nito.
Huwag maliitin ang kakayahan ng bawat tao,
Dahil kanya kanya tayo ng buhay, talento, talino at estado.

----

✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now