14: Natatanging Dahilan

21 1 0
                                    

: kathang isip lamang pero mukhang totoo pero hindi. ಠ◡ಠ

---

Ikaw,
Ikaw, ang natatanging dahilan.
Kung bakit ako'y nagtatampisaw sa ulan,
Nagpakabasa na malumbay ang nadarama sa kalooban.

Nasaan ka na?
Inaasam kang makita.
Ang sabi mo'y ikaw ay manatili.
Ngunit, nasaan ka na?

Ikaw,
Ikaw ang natatanging dahilan.
Sa pagtira sa sariling imahinasyon na ikaw ang kasama.
Kuwento nating hindi ko malaman kung ito ba ay tapos na.

Kilos at iyong salita,
Lumilito sa aking sistema.
Masilayan pa kaya kita?
Nasaan ka na?

Ikaw,
Ikaw ang natatanging dahilan.
Sa pagtitig ko sa tala at buwan,
Sa ilalim ng kalawakan.
Yakap yakap ang sariling katawan,
Ika'y inaasam na muling masilayan.

Nasaan ka na?
Pagkurba ng ngiti sa iyong mga labi,
Ninanais kong masilayan muli.
Ang sabi mo'y ikaw ay babalik muli,
Ngunit, kabaliktaran ang nangyari.

Ikaw,
Ikaw ang natatanging dahilan.
Sa pag gising ko sa umaga,
Giliw ko, nasaan ka na?

Ikaw,
Ikaw ang natatanging dahilan.
Kung bakit hanggang ngayun,
Umaasa parin sa tadhana.
Tadhanang magbibigay daan para sa ating dalawa.
Mga pangakong iyong binitiwan,
Pinanghahawakan ko pa.

" Ikaw ang natatanging dahilan
na nagmamahal ako."

____

✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now