09: Patawad

32 2 0
                                    

A/N: nakuha ko ang ideya sa nakita ko sa pinterest. Ang ibang salita ay hindi galing sa akin. CTTO

---

Patawad.
Sa aking pinangakong panghabang buhay,
Salitang waring tinatangay.
Sa pagbitiw ng aking dalawang kamay,
Kirut sa iyong mata'y kumakaway.

Sa unang sambit,
Na puno ng sidhi at pait.
Bumulatay sa iyong mukha ang sakit,
Isang pagkakamaling, maging isang sunurang kabit.

Sa pagsukong waring umahon sa paglalangoy,
Kahit pa ay tumaghoy.
Kuwento ng pag-iibigan na walang katuloy,
Luhang hindi pinigilan na dumaloy.

Sa huling paalam na matalim,
Binalot ang iyong kalooban ng sakim.
Sa paalam na mapait,
Ako pala ang unang sasambit.

---

✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now