15: Kapalaran

17 3 0
                                    


---

Sariling taghoy na naririnig sa bawat gabi,

Na kung ito'y papakinggan, nakakarindi.
Hindi lumawig ang pag iibigan,
Sa libo-libong kadahilanan.
Ako'y hinayaang maghintay sa walang kasiguraduhan.
Samantalang ikaw, ipinagwalang bahala ang salitang binitiwan.

Hindi mapaparam ang naudlot na pagiibigan,
Sa simulang nangako kang walang bitiwan.
Mala rosas na salitang iyong binitiwan,
Kay dali kong napaniwalaan.
Masilayan ka pa kaya sa kasulukuyan?

Ako'y patuloy na naghihintay,
Siguro habang buhay.
Pinanghahawakan ang pangako mong binitiwan.
Kahit pa ma'y taon na ang nagdaan,
Hindi magawang alisin sa isipan.
Kapalaran kaya kung ika'y muling masilayan?

Ako'y patuloy na naghihintay,
Subalit, ikaw, iba na ang pinangakuhang ika'y maghintay.
Patuloy kang hinihintay,
Pagmamahal sa isa't isay hindi pantay.

Pagmamahal ko'y umaapaw,
Bugso ng damdamin sinisigaw na 'ikaw'.
Sayo'y salita lamang ang umaapaw,
Kaya't nakuha ang damdamin na nagsasabing 'ikaw'.

Kapalaran ko kayang sayo'y  maghintay?
Hanggang sa sumakabilang buhay?

Nangingilid ang luhang nanggaling sa mga mata,
Ayoko ng umasa.
Pagod na ang aking mga mata,
Sa kakaiyak sa bawat tanghali, gabi, at umaga.
Siguro ikaw ngayu'y may ngiti ang mga mata.
Kapalaran mo'y masagana.
Na iba iba ang nakakasama.

Tanging hiling, hindi makulong sayo habang buhay.
Tila gustong kumuwala sa lubid, Takasan ang nasa isip na maghintay.
Nararamdama'y laging malumbay.

Hindi ito ang nais kong maging Kapalaran.
Kaya't sa pagliwanag ng buwan,
Pipilitin kong ika'y hindi na hintayin sa walang kasiguraduhan.
Maalis sa isipan, pati ang ala ala sa nakaraan.

---

✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now