24: Kaarawan

16 1 0
                                    

Itong maikling tulang ay isinulat para sa aking mahal na manliligaw, ehe ♡⁠(⁠>⁠ ⁠ਊ⁠ ⁠<⁠)⁠♡

________

Maligayang kaarawan,
Sa aking itinuring na tahanan.
Ang naging ilaw sa panahon ng kadiliman,
At nagsilbing sandigan.

Labis ang tuwa sa tuwing ikaw ay makasama,
Nakaraang hindi mawala sa ala-ala,
Ito man ay hindi naging madali sa isa't isa.
Kung ito man ay kagagawan ng tadhana at plano ng maykapal para sa ating dalawa.
Hinihiling ko sa kaniya na sana, gabayan niya tayo hanggang sa ating huling hininga na magkasama.

Nagunitaan ko pang tinitiis mo ang paghihintay ng halos apat na taon.
Samantalang ako noon,
Nagbabasa lamang ng libro at wala sa utak ang mga ganoon.
Sa bawat minuto ang dumaan,
Hindi ko namalayang tila napadpad na tayo sa  librong pinamagatang "MAGPAKAILAN MAN"

---

Hbd again, sweet 16 😹🎉

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now