22: Daan sa pag-iibigan

13 0 0
                                    

Taglay na ganda ng isang binibini,
Matitimyas na ngiti ang kumukuwala sa kaniyang mapupulang labi.
Mata ng makakasilay ay mabibighani,
Diyosa ng kagandahan nilukob ng pagkamuhi.

Anak niyang diyos ng pag ibig,
Waring napana ang kaniyang sarili at sa binibini ay napa ibig.
Pag iibigan nila'y tila daloy ng maaliwalas na tubig,
Ito nga ba ay busilak na pag ibig?

Ilaw ang pumukaw sa natutulog na Ginoo,
Hindi malaman ng binibini ang sasabihin at napagtanto.
Hindi tama ang hinala ng mga kapatid nito,
Ang ginoo ay parang bola na umakto at tumatak sa puso ang mga katagang na binitiwan nito.

Agos ng luha ng isang binibini ay parang ulan,
Patuloy na bumabagsak at tila nasa kawalan.
Tadhanay gumawa ng paraan para sa dalawang taong nag iibigan,
Ihip at bulong ng hangin ay siyang ginawang daan.

Kapalaran ay pagkatiwalaan,
Sa pag ibig ay may mga pagsubok na dumadaan.
Kagaya ng pag iibigan ni cupid at psyche na nanatili at ginawang inspirasyon sa mga nakakaalam,
Sa kanilang pag iibigan na hindi ninanais na magawang ala ala na lamang sa nakaraan.

-

(project namin to sa filipino, nilagay ko na rin dito. It was still counted as my works.)

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now