23: kalayaan

37 1 0
                                    

Na-apuhap ang mga tanong sa kadahilanan,
Sa bawat segundong nagdaan,
Mga katanungan na nooy pilit sinagutan,
Ngayon ay tila hangin na nagpaiwan sa isipan.

Mga katanungan ay tila lumahong mapait na ihip ng hangin,
Hiling ko'y hindi man dirinig ng  hangin.
Dasal ko naman ay sinagutan ng panalangin,
Dala ng malumbay na damdamin.

Sidhi ang namayani,
Sa pusong ako lang ang nagmamay- ari.
Kung ganoon ako kabilis nabighani,
Ganoon rin kabagal gumaling pusong tila hinati.

Sa bituwing kumislap na kung sa isang iglap,
Na kung ikaw ay kikurap.
Biglaang dadating ang mga pangyayaring hindi ko maharap,
Na ang taong dating pangarap ay iba na ang pinangarap.

Nag-iisa sa kadiliman,
Gabing yakap ang sariling katawan.
Nahanap ko ang aking sariling kasiyahan,
Iyon ang katahimikan sa aking isipan na wala ng katungan na pilit sinasagutan.

:

>
____

Namiss ko magsulat ;>

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now