30:Katotohanan

4 0 0
                                    

----

Paglalakbay patungo sa katotohanang sarili ang siyang dahilan,
Dahilan sa dinadamdam na kalungkutan.
Kalungkutan na naging tahanan,
Tahanan na ayokong balik balikan.
Balik balikan ang mga gunitang bumitiw nalang sa kawalan.

Kawalan sa gabing mapanglaw,
Mapanglaw dahil sa katagang 'ikaw'.
'Ikaw' ang dahilan kung ano ka sa araw araw,
Araw araw na paulit ulit ang pangyayaring sa gabi ay tila sumusuko at bumibitaw.
Bumibitaw sa sariling buhay na pinagsisihang bakit pa ang katagang 'ikaw' ay ako.

---

✍️:MUNCH_KEYN/MELANIE BAMBA

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now