Matagal na to, ito iyong time na nagsusulat pa ako sa isang account tapos kaka 14 ko lang HAHAHA nakita ko lang sa drafts. Hindi ko alam na ganito pala ako ka broken (sa crush lang naman to) WAHAHAHALT.
---
Ang dating kumikislap kong mga mata,
Napalitan ng namumugtong mga mata.
Sa kakaisip sa iyo sinta,
Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.
Ito ay ayaw magpapigil,
Tulad na lamang ng aking pusong sa iyo pa rin tumitibok ng walang tigil.Sa pag gising sa umaga,
Kasabay pagdilat ng aking dalawang mata.
Ikaw agad ang aking naiisip,
Pinagmasdan ang sahig na ako mismo ang nag ukit.
Sa iyong pangalan na nagsisimbolo ng kahulugan ng sakit.Pagsulat sa iyo ng mga tula ngunit iyo'y inabanduna,
Tila hirap na hirap kahit basahin man lang itong direkta.
Ipinagtulakan mo ako sa iba kahit alam mong iniibig kita,
Nais mong magpakaligaya ngunit sa piling ng iba.
Ito na naman ang aking mga mata,
Namumula sa kakaiyak dahil sa iyo aking sinisinta.Ang aking mata ay kahit na sinasampal na sa akin ang iyong pag ka disgusto,
Ay nakikita ko pa rin ang mga dahilan na natitili kitang gusto.
Ang aking mga mata na pilit sinisigaw ang ikaw,
Ngunit ang iyong mga mata ay nagsasalitang,
"Walang mayroon sa iyo na magugustugan ko, Patawad ngunit kung iibig ka sa iba mabibigyan ka ng halaga."---
✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoetryAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.