34:Wikang mapagpalaya

70 1 0
                                    


Filipino: Wikang Mapagpalaya

Sa ilalim ng araw at sa loob ng mga araw,
Laging nakatago sa kadiliman.
Filipino ang wika, boses ng nakaraan,
Bumangon sa dilim, binigyang buhay ang bayan.

Sa bawat salitang umuuwi sa akin,
Ramdam ko ang lakas na angkin.
Sa tinig ng Filipino, akoy' natagpuan
Aking kwento'y binubuhay at kinukulayan.

Sa ating mga bibig, wika'y sumasalamin,
Isang daan sa pagkakaisa't pagkakaalam.
Sa bawat titik, pag asa'y kumakalat,
Kasaysayan at kultura, sa Filipino'y nakapapahayag.

Ngayon, sa bago't makulay na mundo,
Filipino'y bumabalik, umaangkop sa takbo.
Sa bawat berso, sa bawat dula't, tula,
Ang wika'y muling binibigyang diin.

Sa paglipas ng panahon, magpapatuloy ang diwa,
Filipino ang wika, sandigan ng tunay na laya.
Sa boses ng bawat isa, ang kapangyarihan ay sasabog,
Isang kinabukasan natin kakamitin.

Ang wika'y buhay, sa bawat titik at tunog,
Filipino'y diwa, sa bawat pangarap sinisibol.
Sa paglalakbay, kasama ang ating wika,
Laya't pagbabago, tiyak na makakamtan, dito sa ating bayan.

______

#itsgoodtobeback
✍️: Munch_ Keyn | Melanie Bamba

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now