Paligid na pinupuno ng ambon,
Waring dala ng hindi maiintindihang panahon.
Sa ilalim ng dahon,
Nasilayan kitang nakasilong.
Tila hindi inaasahang maabutan ng ambon --- hindi pa nakadala ng payong.Puno ang dalawang pilik mata ng ambon,
Mala rosas na labi na nanginginig apekto sa malamig na panahon.
Nakatitig sa iyong repleksiyon,
Nasilayan kita kasama akong naglalakad sa hindi ma ambon na panahon.Bumugso ang malakas na hangin.
Kasabay ang pagkabog ng aking damdamin,
Humaling na kaya ito kung tawagin?Hirap na iginalaw ang sariling mga paa,
Kilos ay tila nagbabago na.
Napalapit sa isang matatawag kong ligaya.
Ngumiti siya at gumaan ang aking sistema,
Nagtagpo ang dalawang kamay.
Pagkatapos ay umakbay," Ang ganda mo pa rin aking sinta"
Noon ay ambon ang nakapagitan sa aming dalawa,
Ngayon ay sabay na namin iyong sinuong na kami ay matatanda na.
Siya ang aking ligaya.-
Dedicated to Nayaprtty3
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoesíaAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.