Filipino at mga katutubong wika
Wika ng kapayapaan, seguridad at ingklusibong pagpapatupad ng katarungang panlipunan.
---Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
Ang wika para sa akin ay isang malayang instrumento,
Upang tayo ay magkaintindihan kahit pa may minsan ginagamitan ng ibang pamamaraan
Maaring matawag na wika ng kapayapaan,
Na siyang nagbigay sa mga mamamayang maging malaya saan mang sulok ng mundo.
Ito'y instrumento na kung makakita ka ng taga ibang lahi, magagamit mo ang wika bilang isang susi sa mapayapang komunikasyon o payapang pakikipagtalastasang nais mo.
Mga instrumentong gamit nating mga pilipino, na kahit napakaraming katutubong wika.
Tayo parin ay nagka-isa.Noong ako ay nalito kung ano nga ba ang seguridad nito, bigla akong natigilan at sinabing kailangan kong malaman ito bilang isang kabataang Pilipino.
Ito pala ay mabisang maipararating sa taumbayan ang kahandaan sa pagharap sa anumang sakuna.Ikaw?Hindi ka ba na kuryuso sa mga ingklusibong pagpapatupad ng katarungang panlipunan sa bayang ito?
Kung ganoon ay ipaalam ko sa iyo.
Ito pala ay upang maisa ayos at malunasan ang mga katiwalian at kaapihang nananaig para sa bayan ko, hindi lang pala ako kundi tayo.
Tayong mga pilipino.----
: spoken poetry presentation na sana, kaso nag breakdown ang aunte hindi natuloy :>
✍🏻: Munch_Keyn/ Melanie Bamba
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PoetryAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.