13: Sa aking huling hininga

17 2 0
                                    

A\N: Dalawang taon na ang nakalipas ng isinulat ko ito. HAHA trese anyos 0/0

---

Tahimik na pinagmasdan ang iyong maamong mukha,
Ika'y umiikot kasabay ang musika.
Gumuhit ang matatamis na ngiti sa iyong mapupulang labi,
Kasabay ng iyong paglingun sa aking gawi.
Puso ko'y hindi mapakali,
Kamay ko'y itinaas at kumaway ng dahan dahan sa iyong gawi.
Ika'y ngumiti ng sandali,
Mahal kong prinsesa,
Hindi ko maitanggi ang aking mga ngiti sa aking labi.

Ika'y dahan dahang humakbang, Patungo kung saan ako naroon.
Ikinulong sa iyong bisig.
Ika'y bumulong,
"Tangi, mahal na mahal kita."
Dahan dahang tumulo ang mga luha sa aking mata,
Dahil sa naalala ko ikaw pala ang aking asawa.
Pangako sinta, kahit tayo ay matanda na.
Tayo at tayo parin ang magsasama.
Hanggang sa aking huling hininga.
Pipiliin kita.
Hanggang sa aking huling hininga,
Manatili sa iyong tabi, aking sinta.

---

✍🏻: Munch _Keyn / Melanie Bamba

Pagtitipon ng mga tulaWhere stories live. Discover now