꧁🌹7꧂

109 14 0
                                    

(Previously)

Money may not bring you happiness, but money brings me happiness.

That's the truth.

Saul's POV

“Hijo, pasensiya ka na talaga sa nangyari. Hindi ko akakalain na mangyayari iyon,” nanghihinayang na sabi ni Mr. Hughes sa kabilang linya ng telepono.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot.

“Normal lang po 'yon, hindi talaga natin alam kung may masama bang mangyayari,” saad ko.

“Napakaimportante n'on sa'yo, hijo! Hindi ko gusto na dahil sa akin masisira ang kinabukasan mo. At napagpasyahan ko na babayaran ko ang mga pinsala kahit humindi ka. . .”

Napangisi ako.

Ito na ang matagal kong hinihintay.

Tumikhim ako at sumagot. “Wag na po kayong mag-abala p—”

“Hindi, hijo. Babayaran ko talaga, at naipasa ko na sa account mo ang pera.”

Kinalikot ko ang buhok ko at pagkatapos ay tumingin ako sa cellphone ko, nakita ko na may nag notify, hindi ko nalaman agad 'yon dahil parating naka silent mode ang cellphone ko.

5 million pesos. . .

To think na binayaran niya ako sa halaga n'on, konti lang naman ang nagastos ko sa event. Hindi naman iyon umabot sa isang kalahating milyon. Lahat ng gamit sa event hindi mahal, pero kong titingnan mo mukha siyang mahal, pero sa totoo hindi.

“Hijo, andiyaan kapa ba? Nakita mo na ba?” Tanong nito sa akin.

Agad din naman akong sumagot sa tanong niya. Nagtagumpay ako sa mga binabalak ko. Akala ko mapuputol na ang pag-uusap namin sa telepono ngunit may pahabol pa pala siya.

“Hijo, gustong makipag-usap ng anak ko sa iyo. Gusto ka niyang kamustahin.”

I do have respect for the old man, but I have already part ways with them.

“Sir?. . .Hin. . . rinig. .  si?” Nagpapanggap ako na chappie ako, ayaw ko na talagang makita at makausap 'yang si Clarissa. Sa huli ako ang unang pumutol sa tawag, pinutol ko rin ang wire ng telepono para hindi na nila ako maabot pa.

Bukas na bukas, bibigyan ko sila ng isang liham na titiwalag na ako sa kontrata na ginawa namin. Sina Tulio at Miguel ang gagawin kong mensahero. Ilalagay ko sa liham ang paghingi ko ng pasensiya dahil nga titiwalag ako at ang rason nito kung bakit, kasama na rin doon ang pera. May kasamang pera dahil 'pag pinutol mo ang kontrata may babayaran ka. Pero alam kong hindi iyon tatanggapin ni Mr. Hughes dahil nakokonsensiya siya. Konsensiya dahil sa nangyari sa event.

Napatingin ako sa laman ng account ko na nasa screen ng laptop. May mahigit 100 million ako doon at nadagdagan pa ng 15 million. 70% ng pera doon ay galing sa ninakaw ko sa mga mayayamang tao sa bansa at ang natirang porsyento ay galing sa inipon ko.

At alam ko rin na mabilis maubos iyon, alam ko na sa darating na araw ang 100 million ay bababa, dahil gagamitin ko ito sa pagpapalago ng aming grupo, at ang pagpapatayo ng ilang headquarters namin.

Ang dami kong plano na alam na alam kong magkakatoo.

“I need more money. . .” sabi ko. “Sino kaya ang su—” Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil napatingin ako sa puting tela.

Iyon palay gown 'yon ni Clarissa, nakalimutan ko na nahagit ko pala iyon. At may naisip ako kung saan mapupunan na naman ang pera ko sa bangko.

“SIR, naiintindihan daw po ni Mr. Hughes ang hinaing niyo. At hindi niya rin po kukunin ang pera.” Paliwanag ni Tulio sa akin at binigay ang pera pabalik sa akin.

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon