꧁🌹1꧂

427 16 1
                                    

Agoeath's POV

"Oo po, ma, pupunta ako d'yan next week," saad ko habang sinasagot ang tanong ni mama na nasa kabilang linya.

There will be a little bit of feast next Saturday, 'di ko alam kung para saan. Bigla-bigla nga lang e, wala akong problema kung may gathering o ano pa d'yan as long as may pagkain ayos na ako.

"Lady Agoeath (Agot), tumawag po si Ms. Janine Steelers at magpapacommission po raw siya ng isang gown for the evening gown event on Bb. Pilipinas." Rinig kong saad ng isa kong mga katiwala sa trabaho ko.

Ni-lock ko muna ang cellphone ko at tumingin sa kaniya.

"Does she have some certain design she wants?" Tanong ko.

Pumunta ako sa lamesa at umupo sa sarili kong swivel chair habang kumuha ng isang cookie na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na umiling siya.

"I already got her measurements, Lady," aniya at may binigay sa akin na 'di gaanong kakapal na mga bondpaper.

Kinuha ko 'yon at tiningnan at kalaunay may patango-tango pang nalalaman.

"I got this. You may leave."

Bago paman siya umalis yumuko siya sa akin.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng opisina ko. Maraming kang makikita na mannequin at ilang mannequin na may gown.

Yes, I'm a fashion designer.

I took this up as my second course, my first course was Business Administration. It isn't to my liking, sa totoo lang. Napilitan akong kunin ang Business Ad dahil na rin sa klaseng trabaho na mayroon ang pamilya ko, wala akong magagawa roon in-accept ko nalang. Also, if it wasn't for Business Ad I wouldn't have this dress shop with me.

Aside from killing for missions and underground business I also live for this. If my brother Ace got his company of making guns, well, I do have a shop not a company, a shop for making dresses that would make every man and woman be the most beautiful creature on earth.

Marami-rami na rin ang nagawa kong mga gown at iba pa. May artista na nga na nakasuot sa design ko, mga sumasali sa Miss Universe na hindi naman umabot sa Top 10 kasi may cheating sa judges, mga nag debut mga anak ng Mafia Don's at mga suits.

This job is not tiring, I had a lot of fun. And at a slow pace marami na ang nakakilala sa shop ko and if ever sumikat ito lalo sa Pilipinas I'm going to launch some outside the country.

Natapos ko ng basahin ang measurements noong Janine Steelers at nag ske-sketch na ako sa design ng gown na babagay sa kaniya.

Isang oras natapos ako sa pag ske-sketch at noong tiningnan ko ito sobrang ganda. At para mas lalong gumanda s-in-earch ko si Janine Steelers sa google at nakita ko ang kabuuan niya. Maganda siya pero mas maganda ako, di ko nalang namalayan na napabuntong-hininga ako.

May adjustments pa akong gagawin. Just by looking at her I can already tell what are her vital statistics.

And I went on.

"GAIL, we'll make this," inilahad ko sa kaniya ang sketch pad kung saan ko d-in-rawing ang gown ni Janine. "But first, we'll call her, perhaps you have her number?" Tanong ko.

Tumango si Abegail o Gail sa akin at binigay niya sa akin ang isang maliit na notebook kung saan doon nakasulat ang number ni Janine.

Pumunta ako kung saan nakalagay ang telepono namin at d-in-ial ang number niya. And in just a few seconds sinagot niya 'yon.

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon