꧁🌹43꧂

165 4 1
                                    

(Previously)

I can never smile knowing what might come for my cherished.

Agoeath's POV

I can't feel my body, masakit. Hindi ko alam kung bakit. I winced in pain. Binuksan ko ang mga talukap ko at ang nakikita ko lang ay ang liwanag ng buwan. Naka dim ang liwanag dito sa kwarto, wala ako ni isang tao nakikita, pero may narinig akong kaluskos galing sa banyo.

Umupo ako ng dahan-dahan sa higaan at hinilot ang aking sentido, nakita ko ang sarili ko na nakasuot ng isang hospital gown. Napakamot ako sa ulo ko no'ng naramdaman ko itong kumati at inalala ko lahat ng nangyari pero wala akong maalala. I opened and closed my fists, and I could feel that my strength did not come back yet. Busy'ng-busy sa ginagawa ko no'ng may narinig akong tumili at mabilis na yumakap sa akin.

Natakot ako dahil hindi ko kilala kong sino 'yon. Agad akong bumitaw sa pagkayakap at inilayo ang sarili ko. Nakita ko ang silhoutte niya na pumunta sa isang corner at may narinig akong pitik at bigla nalang lumiwanag ang paligid.

"Agoeath!" sigaw nito.

Nakita ko ang isang babae na may edad na ngunit nakikita ko pa rin na may ganda siya. Kumunot ang noo ko, hindi ko siya kilala.

"Sino po kayo?" direkta kong tanong.

At parang alam niya ang sasabihin ko kasi napangiti nalang siya. "I'm your mother, Antonete." Nginitian niya ako. Gusto kong maniwala sa kaniya ngunit wala akong maalala na siya ang ina ko.

"But it's the first time that we've met each other."

Sa pangalawang pagkakataon ngumiti siya sa akin. Hindi niya ako sinagot bagkus ay pumunta siya sa gilid, sa may lamesa, nakita ko roon ang mga maraming pagkain at iilang bulaklak. Kumuha siya ng isang pagkain at ibinigay sa akin 'yon at kasama na doon ang isang water bottle.

"Ito, kain ka muna," wika niya sa akin, inilahad niya ang pagkain at kinuha ko agad 'yon. Hindi ko alam kong bakit pero parang kulang pa 'yon sa akin. Habang ngumunguya ako nagsalita ako. "Ano po bang nangyari sa akin? Wala talaga akong maalala."

"Nabagok ulo mo." Natigil ako sa pagsubo ng pagkain hindi dahil sa sinabi niya kung 'di dahil sa tono ng kaniyang pananalita. Umupo siya sa tabi ko at nakita ko na kinuha niya ang kaniyang cellphone, hindi ko rin alam kong ano ang ginagawa niya basta tipa lang siya ng tipa at nag swi-swipe left and right.

Habang ginagawa niya 'yon sinusubukan ko ring alalahanin lahat, pumikit ako at sobrang lalim na nag pag-iisip ko ngunit wala talaga akong maalala. 'Di ko tuloy mapigilang mapabuntong-hininga.

"Tingnan mo." May pinakita sa akin ang babae na nagpakilala bilang ina ko. Pinakita niya sa akin ang isang picture, anim kaming lahat. "Ikaw 'tong babae na may dala na malaking ensaymada, patay gutom ka kasi." 'Di ko alam kong insulto ba 'yon sa akin o gano'n talaga ako bago pa ako mawalan ng alaala, dahil sa sinabi niya 'di ko rin alam kong masasaktan ba ako, magagalit o ano pa. Tiningnan ko ang itinukoy niyang ako sa litrato. Naka straw hat ako, puting kamisa de chino ang suot ko at ang pants ko naman ay pang 50's style at naka tsinelas lang, dala-dala ko ang malaking ensaymada. Napataas ang kaliwa kong kilay kung ako ba talaga ito. "Ako naman 'yung nasa gitna, nasa kanan ko ay si papa mo, papa Giovanni mo, ta's sa baba ay sina Kuya Ace at Kuya R mo at ang babae na nasa gilid mo na buntis ay ang bunso ninyo na si Aser," paliwanag niya sa akin.

Titig na titig ako sa litrato, sinubukang alalahanin ang mga alaala ko na kasama sila pero nawala ako sa focus no'ng may nakakuha sa atensiyon ko. Sa anim na tao na nando'n isa lang ang may itim na mata.

"Ang mga mata..." mahina kong wika.

"Hmm? Ah! That's normal, you don't have to worry, here kain pa," sabi niya sa akin at may inilagay na namang pagkain sa mga kamay ko, gusto kong tanungin ang sarili ko kung bakit hindi ako umaangal, baka totoo nga na patay gutom ako. "Kain lang ng kain, ha? I'll inform your father and siblings na you're already awake." Iniwan niya ako at lumabas siya sa kwarto.

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon