(Previously)
And I'm really excited for the evening to come since knowing that it would be the day where I can get a lot of money.
Let's see how it goes. . .
Saul's POV
I was watching everyone doing their works, arranging the things back and forth. The angel ice statue at the center, the big cake at the side and the buffet with it's attendee.
Itinaas ko ang kilay ko noong nakita ko sina Tulio at Miguel na kumukuha ng isang lumpia at 'di ko mapigilang umirap.
Hindi kasama ang lumpia sa handaan kaso nag insist sila na dapat kasama raw ang lumpia. It's in our culture, ika nga nila. Naninigarilyo ako dito at inisa-isa kong tiningnan ang mga tao na pumapasok.
“These folks will soon see the best moments of their lives.”
Tumingin ako sa relo at nakita ko na malapit nang magsimula ang event kaya pumunta muna ako sa kwarto at sinuot ang outer jacket ng tuxedo ko. Inayos ko ng mahigpit ang tie ko at in-adjust ang collar sakto rin na may kumatok sa loob.
“Sir! It's time to BOOM!” rinig kong salita sa labas at siguradong-sigurado ako na boses iyon ni Miguel.
Pinagpagan ko ng maayos ang suot ko at lumabas na. Nakita ko silang dalawa na nagbabangayan, kung sino ang mas gwapo nila.
“Tapos na ba kayo?” Walang emosyon kong tanong sa kanila. Nagsitigil din silang dalawa at napatayo ng matuwid sabay nag salute.
“Sir, yes sir!” Sabay nilang sagot.
Bumuntong-hininga ako. “'Wag ninyong kalimutan ang trabaho ninyo ngayon,” tiningnan ko silang dalawa sa mga mata nila. “Nasa baba na ba siya?”
“Oo po, Sir! Kasama niya ang mataba niyang ama,” paliwanag ni Tulio sa akin. Tumango ako at umunang naglakad.
“Kung maka lait ka naman,” rinig kong bulong ni Miguel kay Tulio.
“Totoo naman, tanga.”
“OH LOVE! How dashing you are!” Hinalikan ako ni Clarissa sa labi ngunit umiwas ako pero hindi siya nagtaka at hinalikan nalang ako sa pisngi.
To be honest, the event started in the morning and I wasn't there, the only one who's accepting the guests is Clarissa, and where I am? Further planning my scheme. Right now, she's wearing the white dress, and she really looks like Snow White except the part of being innocent.
Initially, this event will talk about my company and the Hughes' company's partnership, but of course it won't come true. I just plan on getting their money. In short I will exploit everything and have fun on my own.
Everything went smooth according to the plan. Clarissa was the host of the evening, at nasa likod niya lang ako. She did tell everyone about me but she never bothered me to let me introduced myself. She just pointed at me and that's all. 'Yung ama naman niya ay may in-announce, it is the details about our partnership and how he's looking forward to it.
Bored na bored na ako at hindi na ako makapaghintay na hindi makikita ang mukha ng mga Hughes lalong-lalo na ang pagmumukha ni Clarissa. And then finally, the late dinner has come.
“The last supper.” I murmured and sat beside Clarissa, the table was straight and she was on the edge and I was on her right.
Dahan-dahan akong tumingin sa gilid at hinanap ang dalawa, alam niyo na kung sino. Hindi umabot ng ilang segundo at agad ko na ngang nahagilap ang mga mata nila. Tumango ako at tumango rin sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/284448379-288-k66585.jpg)
BINABASA MO ANG
Cracking Grave
AcciónD E A T H S E R I E S I I I Buried six feet underground with nothing to see but soon will arise when an eclipse peak thus making the beholder feel alive.