꧁🌹25꧂

89 11 1
                                    

(Previously)

"I hate the way he looks at me."

I guess we both do.

Third Person's POV

Isang buwan na ang lumipas simula nang naging cliente ni Agoeath si Saul. Sa loob ng buwan na 'yon may nagbago sa kanilang dalawa. Kung noong una ay palagi silang nagbabangayan at hindi nagkakaintindihan ngayon ay iba na.

Napagpasyahan ni Agoeath noong una na uunahin niya muna ang mga suit ni Saul pero nag bago ang isipan niya. Naisip niya kasi na gawin nalang din ang suit ng iba, kina Tulio at Miguel, sa officers, at sa members. Natapos na niyang i-drawing ang lahat, pwedeng-pwede naman siyang magsimulang tumahi kaso i-s-in-imulate niya muna ang mga damit sa isang 3D Design Manipulator para ma print out sa utak niya ang kalabasan.

It took her days to do it, 3D-ing a cloth is hard since you need to be precise. And just yesterday she finished all of it. Ang kailangan niya lang gawin ngayon ay pumunta sa isang shop para bumili ng silk fabric. In-arrange na niya lahat ng kalat na nagawa niya sa kaniyang workplace mostly it was hers pero lalo lang kumalat noong nilaro ni Jaguar Paw ang mga basura.

"Jaguar Paw, you should just sleep," wika niya rito kahit na alam niyang 'di ito magsasalita.

Ilang minuto lang ay natapos din siya sa ginawa niyang paglilinis. Nang tumingin siya sa paligid nakita niya na kumikinang ito, hindi niya tuloy mapigilang ngumiti. Now, she's back to her plan. Buying some fabric to start her work. Lumabas na siya sa workplace niya at nakabuntot sa kaniya ang malaki niyang pusa. Ilang hakbang palang naman ang nagawa niya nang may nagsalita sa likod niya, boses palang no'n alam na niya kung kanino 'yon. Sa loob ng isang buwan na saulo na niya ang tono ng boses nito.

"Mag i-inquire ako ng mga tela," sagot ni Agoeath sa tanong ni Saul.

May mga tela naman na nabili sina Saul noong una pero nang i-ch-in-eck 'yon ni Agoeath ekis agad 'yon para sa kaniya. Napapangitan siya sa quality, when she had just said that it's not about the quality.

Pero ang pangit naman talaga ng binili nila ni Saul, halatang walang alam.

"Pero may tela na naman kaming nabili," sabi ni Saul habang ang dalawang kamay nito ay nasa bulsa ng pantalon niya. Naka tuxedo siya ngayon, hindi, parati talaga siyang naka tuxedo. Sa lahat ng kilala ni Agoeath na may-ari ng isang business o family, siya lang ang nakikita niyang palaging naka suot ng tuxedo, 'yung iba kasi nagsusuot ng t-shirt lang. Pero ang naisip lang ni Agoeath noon ay 'Sa bagay, baguhan lang'.

"Hindi ko gusto ang texture. Anyway, I really need to go. And please 'wag mong hayaan na may pumasok sa loob," huling salita ni Agoeath at nagsimula na siyang maglakad. Liliko na sana siya para puntahan ang elevator nang may humila sa kaniya pabalik.

"I'll go with you," diretsang saad ni Saul kay Agoeath.

Sa sinabi ni Saul na 'yon napataas nalang ang kilay ni Agoeath.

"Hindi p'wede, as much as I want you to come-" napatigil si Agoeath sa sinabi niya, huli na niyang napagtanto ang sinabi niya, nang tumingin siya kay Saul nakataas na ang kilay nito. "-so that you'll bring the things that I've bought, but you are technically busy, same as the other boys. May meeting ka pa and such. So, no," tuloy niya.

"Sasamahan kita whether you say No or No," ani ni Saul at sabay na bumitaw sa pagkakahawak niya sa pulsuhan ni Agoeath.

Sa loob ng ilang lingo na pamamalagi ni Agoeath sa HQ ni Alvarez alam na alam na nito ang ugali nito. Alvarez is just the same as her brother and herself, kung ano ang gusto 'yon din ang makukuha.

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon