꧁🌹26꧂

90 14 1
                                    

(Previously)

But sadly that wasn't their situation, but maybe soon. There would be a time that they'll have a romantic date. . . for real.

Agoeath's POV

Dalawang linggo na ang lumipas simula noong nakasama kong bumili si Alvarez sa mga gamit na kinakailangan ko sa pagtatahi, bale malapit ng magdalawang buwan na nandito ako sa teritoryo niya. Ang inuna kong tinahi ay sa kaniya at dahil hindi naman gano'n ka dali ang pagtatahi natapos ko ang unang suit niya sa isang linggo, meaning sa isang buwan nasa apat na suit ang magagawa ko. 

Kaya napagplanuhan ko na kinakailangan ko ng ilang mga tauhan para mapabilis ang paggawa ko sa mga suits. 153 lahat ang gagawin ko at para even gagawin ko nalang 155, ang tanong saan naman ako kukuha ng mga tauhan? Ayaw ko naman kunin sina Gail, Marie, Leenor, Therese, at  Eliza. Ayaw ko na mapunta na naman sa panganib ang buhay nila. 

Napaupo nalang ako ngayon sa swivel chair at tinitingnan ang ceiling. Pagkatapos kong tingnan ang ceiling nakatingin na ako ngayon sa pangalawang suit na tapos na, pwede naman akong gumawa ng pangatlo ngayon kaso tinatamad ako sabi rin naman kasi ni Alvarez na p'wede akong magpahinga 'yon nga lang 'pag magpapahinga ako mapapatagal ang pananatili ko rito. 

Now that I think about it, 1 month is to 4 suits tapos 155 lahat gagawin ko!? Aabot pa ng taon ang pananatili ko rito! I don't want that.

Napasandal nalang ako habang hinihilot ang sentido ko, si Jaguar Paw naman ay nasa carpeted floor at natutulog. Ilang sandali lang ay naalala ko ang mga pangyayari rito sa HQ niya.

There are times that I heard Alvarez shouts in frustation becauase of his stupid members. 'Di ko inakala na gano'n siya, he was scary as hell but of course I'm not scared, and everytime he's not in the mood I don't know the reason why. . . why everytime he's not on the mood he always hangs out in my workplace, either playing with my cat or watching me sewing. It's awkward as hell. Nang napatingin ako sa orasan nakita ko na nasa alas dose na pala ng tanghali, 'di ko naramdaman ang gutom, kakatapos ko lang kasi kumain sa burger na dinala nila Miggy at Tilly. 

Tumayo na ako at naglakad papunta sa pintoan at nang naramdaman ni Jaguar Paw ang paglalakad ko sumunod siya sa akin. Kada labas ko sa pintoan ng workplace ko harap-harapan kong makikita ang maraming tao na nagmemeeting sa loob ng opisina ni Alvarez, pero ngayon wala itong laman.

Ngayon kasi ay pupunta sa ibang lugar ng Pilipinas si Alvarez at siyempre kasama niya sina Miggy at Tilly. 

"Siguro ngayon nakasakay na sila sa eroplano," wika ko habang papunta sa elevator.

It was 30 minutes ago noong nagpaalam sa akin si Alvarez na aalis siya, does he have to do that? Like I really don't care where he goes, mas mabuti nga 'yon na wala siya para naman na walang isang timang na titingnan ako 'pag magtatahi.

I'm the type of a person who can't focus when someone is watching me. 

Nakababa na ako sa cafeteria at agad din akong um-order ng pagkain. Dahil nga medyo busog pa ako mabibilang mo lang ang lahat ng binili ko mga nasa apat lang ata kadalasan kasi nasa sampu mga binibili ko.

Pumunta ako sa paborito kong pwesto, ito 'yung pwesto kung saan ako unang kumain. Kung naaala niyo pa ito 'yong panahon na kasama ko si Alvarez kumain.

Ilang minuto lang dumating na ang mga pinamili ko. Jaguar Paw wasn't on my side nor under the table, nag lakwatsa na naman siguro ang lalaki. Hindi rin naman 'yon gutom kasi pinakain ko na kanina.

'Di ba sabi ko kanina lang na ayaw kong tinitingnan ako pag may ginagawa ako. Ngayon ramdam ko ang iilang pares ng mga mata na nakatingin sa akin.

I sigh.

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon