꧁🌹24꧂

88 12 0
                                    

(Previously)

Ginawa ko 'yon upang bigyan ko siya ng panahon na pag-isipan at tanggapin ang lahat ng nangyari sa araw na ito.

Agoeath's POV

Nang iniwan na nila ako dali kong pinalibot ang paningin ko sa loob. The ceiling were crown molding and the floor is carpeted, kung ano 'yong nakita ko na carpet sa labas gano'n din dito. Pagpasok mo palang sa pinto bubungad sa 'yo ang table ko, it's a mahogany office table and lavished with a lacquer. Makikita mo sa table na 'yon mga ballpen, sketch pad, a calendar, computer, and even a mini plant. On the left side of my table there's a sofa and a small circle glass table.

Oh, I can sleep there.

Behind the sofa is a big window and it's overlooking the view outside. Lumapit ako roon at nakita ko ang ibaba ng headquarters, nakita ko rin sa gilid ang mga naka park na sasakyan and I saw trees and buildings. Pagkatapos ko roon pumunta ako sa may right side ng workplace ko.

Nandoon ang mga gamit ko sa pagtatahi, a new sewing machine and a black mannequin stand, two male and female mannequins. There is even a whiteboard, I can post my design there and notes.

Sabi niya I can do what I want in this workplace, even change the arrangement.

"Hmph, this place is already built that good. I don't want to change anything here," wika ko at lumapit sa glass na malapit sa pintoan.

Kung wala sigurong blinds sa mga glass baka makita ko rin ang opisina ni Alvarez. Sabi niya magkatapat lang daw opisina namin so I've concluded that those glass covered with black windows is his.

Dahil tapos ko nang tingnan ang lahat ng nasa loob umupo ako sa swivel chair at ch-in-eck ang mga sketchpad, alam ko naman na walang mga laman 'yon. May problema ba kung titingnan ko 'yon? Blank paper excites me.

I tried to reach for a pencil and I've seen that it is already sharpened. Binuksan ko ang sketchpad at nag drawing ako ng isang maliit na smiley, 'yon lang.

"I don't know the reason why my brother did this to me but it's here now, I'd just let it be," sabi ko sa kawalan habang nakatingin sa greeny scenery sa kanan ko. "What should I do?" tanong ko sa sarili ko.

Alangan naman mag simula na akong mag design ng mga damit, I need to know first what my client refers. Dahil ayaw ko rin namang ma bored tumayo ako at lumabas papunta sa gawi ng opisina ni Alvarez. Hahawakan ko na sana ang pintoan no'n nang nakita ko na may meeting siya.

Oh, right. It's been an hour simula no'ng iniwan nila ako sa workplace ko. Then, I should just explore his territory. Bumaba ako at sinilip ko lahat ng naroon. The floor that I'm in isn't that grand unlike the floor that my workplace is station at. Nakita ko na may ginagawa sila pero hindi ko alam kung ano 'yon. Ilang libot na rin ang nagawa ko, ilang panahon na rin akong paulit-ulit sa pag akyat at baba.

My head is spinning, I want to vomit. I've been around in circles! My stomach is already grumbling like an earthquake! Hindi sana ako nag lakwatsa ng walang kasama. Minsan talaga matalino ako minsan din ay bobo.

"I've been looking for you, Romano," rinig kong saad mula sa likod ko. I sigh in relief when I knew who it was.

"You should have put some direction on your territory!" I hissed.

His forehead creased. "It's not my fault that you're dumb with directions," walang emosyon niyang saad sa akin. Gusto ko siyang kalmutin kaso tama nga siya. My stomach once again growled.

Nang tumingin ako sa kaniya nakita ko na naman ang walang kabuhay-buhay niyang mata. Sarap tusukin, eh, 'no?

"Kung nagugutom ka pwede ka namang tumawag sa intercom. Your workplace have one."

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon