꧁🌹5꧂

131 13 0
                                    

(Previously)

"Saul. . ." ang pagkabasa ko, ". . .Alvarez."

Saul's POV

Sinindihan ko ang sigarilyo ko at pagkatapos ay umupo sa upuan na nandito sa labas ng balkonahe. Tinanaw ko ang mga sasakyan na nasa ibaba at binilang iyon.

Hindi gaano karami ang makikita mong sasakyan sa ibaba dahil nasa madaling araw na ngayon.

At noong tinatamad na akong magbilang, tumingin nalang ako sa kalangitan.

"Oras na," isip ko.

Tumayo na ako at pinagpagan ang boxers na suot ko. Papasok na sana uli ako sa loob noong naramdaman ko nalang ang mga braso na pumulupot sa bewang ko.

"Baby. . ." rinig kong bulong.

Tumingin ako sa gilid at nakita ko si Clarissa na hubo't hubad.

"One more time please. . . so that I could have energy for tomorrows event."

Ngumisi ako at binuhat ko siya kaagad sa higaan at gumawa kami ng milagro.

Everything is according to plan.

Clarissa Hughes, thank you for being my personal atm.

"YUNG mga gown mo? Handa na ba?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya.

"Already, love," ngumiti siya sa akin pero hindi ko 'yon sinuklian.

"Kung gano'n una na ako sa 'yo," saad ko at una akong lumabas sa kwarto ngunit bago pa ako makalabas nahawakan ni Clarissa ang kamay ko at hinalikan niya ako sa labi.

Tch.

'Di ko siya hinalikan pabalik bagkus ay lumayo ako at tuluyan nang lumabas.

Kalma ka lang, Alvarez, huling araw na ngayon, 'di mo na makikita ang pagmumukha ni Hughes.

"SIR, ready na po ang lahat."

Tumango ako at umupo sa upuan, tumingin ako sa paligid at tiningnan ang patapos na naming quarters.

"Miguel, Tulio, gawin niyo ang pinagagawa ko sa inyo ngayong gabi," wika ko sa kanila.

Si Miguel at Tulio ay ang kaliwa at kanang kamay ko. Silang dalawa ang pinagkatiwalaan ko nang sobra dahil noong walang-wala ako nandoon pa rin sila sa gilid ko.

"Noted, Sir!"

"Areglado, Sir!"

Sumandal ako sa upuan habang nakapandekwatro, tumingin ako sa gilid kung saan nandoon ang bintana at makikita ko ang magandang tanawin na kulay berde lahat at bigla-bigla nalang ay napaisip ng kahit ano.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang narinig ko nalang ang mabilis na yapak ng mga paa papunta sa akin. Pagkatingin ko sa pinanggalingan nakita ko si Tulio na may dalang tablet at hingal na hingal.

“Sir! Nagba-browse lang ako sa BOW at inilabas na nila ang ranking sa Top Family sa Pilipinas! At nasa pang dise-syete tayo!” Nakikita ko sa mukha niya na sobrang saya niya. Agad niya ring binigay sa akin ang tablet at nakita ko nga ang rankings.

Noong napatingin ako sa tablet wala ni emosyong lumabas sa akin. I could see beside the word Alvarez the number seventeen. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Unti-unti na kaming naging kilala sa Underworld.

“We'll make it to the top,” I firmly said.

Napatingin ako sa Top 5 at bigla nalang kumunot ang noo ko.

“Ano'ng nangyari sa Romano? Ba't nasa second place na sila?” Takang tanong ko kay Tulio.

“Hindi po ako sure nito, Sir. Pero base sa mga nakalap kong chismis nagkakagulo raw ang Romano at 'yung head diya'n hindi na raw nagpapakita. Pero sabi-sabi lang po 'yan ha,” paliwanag nito sa akin.

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon