꧁🌹9꧂

96 14 0
                                    

(Previously)

"Your surname is Romano, right? It may be a coincidence but you are meant to go down, just like that failure Romano Family. . ." I whispered the last words at noong napatingin ako sa kaniya, nakita ko siya na tumigil sa paglalakad.

Third Person's POV

Nang narinig ni Agoeath ang sinabi ni Saul sa kaniya bigla siyang napahinto sa paglalakad. Kanina ay bwisit na siya ngunit ngayon bwisit na bwisit na. Kanina pa siya wala sa mood simula noong tiningnan niya ang gown na initsa ni Saul sa kaniya, at noong nalaman niya ang totoo na dinaya nila ang nangyari doon siya nagalit ng husto, pero dahil wala naman siyang pake duon sa event hinayaan niya nalang at umalis, ngunit may sinabi si Saul na nagpaputok sa ulo niya. 

She formed her fist into a ball and closed her eyes as she inhaled and exhaled slowly.

"Failure?" Tanong niya sa kaniyang isipan. 

Ramdam na ramdam na niya ang pag-iinit ng kaniyang katawan, at sigurado siya na pumula ang mata niya dahil sa galit. Pinikit niya ang kaniyang mga mata pagkatapos ay umikot siya at pumunta sa gawi ni Saul na galit na galit. At noong malapit na siya sa lamesa, umikot siya ulit at itinaas niya ang kaniyang kanang paa at gamit noon, sw-in-ipe niya ang ibabaw ng lamesa, lahat ng gamit doon nahulog sa sahig nasira ang mga ito at nabasag. 

Biglang napatayo si Saul sa ginawa ni Agoeath, nabigla rin siya nito at hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. "Ano'ng?" Isip niya.

Pagkatapos ibinaba ni Agoeath ang kaniyang paa tiningnan niya ng masama si Saul di alintana ang sakit na naramdaman niya sa may paa nang may ilang bubog ang nandoon. Dumudurugo ito pero hindi siya nasasaktan, sanay na.

"If you know them, that must've mean, you're also from the underworld?" Tanong ni Agoeath sa kaniya at makikita mo sa mukha nito na nandidilim ito.

For the second time, Saul's been taken a back again. Tumitig siya ng maigi sa mga mata ni Agoeath at tinanong niya ito. "Who are. . . you?" 

She glared at him and announce the words that Saul eagerly wanted to hear, "I am Agoeath Cass Romano, a descendant of Lahosi Romano, and a part of that family you called failure," she stated full of venom. 

Nanlaki ang mga mata ni Saul nang nakita niyang pumula ng ilang segundo ang mga mata ni Agoeath. Kumurap siya ulit pero nang tiningnan niya ito ulit bumalik na ito sa pagkaitim. "Nahihibang na ba ako?" Isip niya at aksidente niyang nakita ang mga paa ni Agoeath na duguan. 

Nang nahimasmasan si Saul sa sinabi ni Agoeath pinalala pa niya ang sitwasyon. Naniniwala siya na isa itong Romano sapagkat ang inilalabas na aura nito ay masama na mararamdaman mo sa taong namumuhay sa ibaba o mas kilala sa underworld. At isa pa, siya ang gumuwa nang gown ni Clarissa at ang panghuli ay wala itong reaksiyon sa sugat na natama niya. 

I won't lose this time.

"Then that must've mean, you are Ace's sister? The sister of the head of the family?" Tanong nito kay Agoeath pero hindi siya sinagot nito. "Nalaman ko na may masamang nangyari sa kaniya, making him weak. Ang tanong ganoon ka rin ba?" Nang-aasar na tanong niya. 

Pero sa isang iglap lang, nakita ni Saul ang kaniyang sarili na sakal-sakal siya ni Agoeath sa kwelyo niya. 

"Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganiyan ang Kuya ko, hindi mo alam ang pinagdaraanan niya. . ." Kumunot ang noo ni Saul noong nakita niya na biglang pumungay ang mga mata nito. ". . . dahil hindi mo alam kung paano mawalan ng isang minamahal." Pinandilatan siya ng mga mata nito, at pagkatapos noon pinakawalan na siya nito. 

"Akala ko ba malalakas ang mga Romano? Mahina pala kayo?" 

Nakikinig lang si Agoeath sa mga dada nito. 

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon